CHAPTER FIVE

1515 Words
AMBER’S POV NAKITA ko ang pagkunot-noo ng lalaki. Indikasyon na hindi niya ako maalala kaya binababa ko na lang ang hintuturo ko at sabay ngiti ng alanganin. Palihim ko siyang pinasadahan ng tingin. Tindig at kutis pa lang ay halatang mayaman na. Kaagad napukaw ang pansin ko sa tatak ng suot niyang relo dahil alam kong hindi biro ang halaga niyon. Simple lang suot niyang golf outfit––brown khaki pants at chukker shirt na kulay blue––pero naghuhumiyaw ang mga brand. In short, hindi basta-basta itong lalaki na nasa harap ko. Kung sabagay pawang mga elistista lang naman ang pwedeng pumasok sa golf club na ito. Makisig siya. Malakas ang appeal. Iyong tipong manliliit ang sinong man na tumabi sa kanya. Pogi––no, napakagwapo ang tamang term. Infairness, nararamdaman ko na sumisirko ang puso ko. Pero usual reaction lang naman siguro ito kapag nakakita ng gwapo. Isa pa, nasa loob ng golf club ang lalaking nagmamay-ari ng puso ko. Kailangan ko siyang puntahan para magkalinawan ngayon. “I have to go,” wika ko na walang babala na basta na lang na tinalikuran ang gwapong lalaki. Narinig ko pa ang sigaw niya kung paano raw ang sugat ko pero binalewala ko lang. Natagpuan ko sa teeing area ng golf course si Noah, pero hindi ko siya malapitan dahil nakikita ko na nakikipagtawanan siya sa matandang nilapitan kanina at ng dalawa pa. Alam ko na parti iyon ng tactics niya. Hindi ba’t sinabi niya sa akin na kailangan niyang hulihin ang loob ng mga ito? Imbes na makaabala ay pinili ko na lang na tumayo hindi sa kalayuan. Ramdam ko ang init ng araw. Pakiramdam ko ay magiging roasted chicken ako anytime kaya napagdesisyunan ko na lang na pumunta sa clubhouse at doon na lang hintayin ang text o tawag ni Noah sa kung ano mang gusto niyang mangyari sa lakad namin na ito. Masuwerte si Noah dahil may tagaayong ang mga ito. Ngunit agad din akong napahinto nang may humintong golf buggy sa harapan ko at lumukso doon ang isang singkit na dalagita na napa-cute sa suot na pink short na pinarisan ng white sphaghetti strap fit blouse. Nakatirintas ang mahabang buhok. Mistulang buhay na maynika. “Oh my Gosh! Amber, is that really you!” tili ng dalagita. Sa palagay ko ay ito na ang tinutukoy ni Noah na anak ng ka-business partner niya. Agad akong nagpakawala ng isang malawak na ngiti at agad na nilahad ang dalawang kamay nang makita ko na tumakbo papunta sa akin ang dalagita. “Hi––you are?” “Annika! I’m Annika Shintaro. Gosh! Finally nakita rin kita sa personal! I’m your number one fan! Pangarap ko rin na sumunod sa yapak mo.” “Thank you, Annika. For sure matutupad mo ang pangarap na iyan.” Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. Annika is definitely qualified given her height and slim figure. Sa tingin ko nga ay pag-aagawan siya kung sakaling may makadiskubreng agent. “Sa papalagay mo, pwede ba akong maging model?” “Pwedeng-pwede! Napakaganda mong bata.” Tumili na naman ang dalagita. “Thank you so much, Amber. Oh God! Hindi ko akalain na makakarinig ako ng compliment from my idol. Kaya lang…”Biglang lumungkot ang mukha niya. “Ayaw ni Daddy na mag-model ako. Gusto niya raw na unahin ko muna ang pag-aaral at saka hawakan ang negosyo namin.” “Tama ang Daddy mo, dapat kang mag-focus sa mga long time investment gaya ng pag-aaral dahil iyan ang tanging kayamanan na hindi mananakaw sa iyo. Besides, panandalian lang ang ningning sa modeling. Kasabay ng pag-fade ng kagandahan ay ang pagkawala rin sa limelight. Just look what happen to me, sa isang iglap lang nawalan ako ng career dahil sa maling paratang.” “Ah yes! About that scandal, hindi ako naniniwala na totoo iyon. Wala akong pinaniniwalaan na negative write ups about sa iyo. Imagine, sobrang bait mo pala sa personal at sobrang ganda!” tila kinikilig na sabi ni Annika. HIndi mapuknat ang ngiti sa labi ko habang hinahaplos siya sa buhok. Laking gulat ko nang bigla niya akong hilahin. “Come, Amber! Kasama ko si Mommy. Ipapakilala kita sa kanya. Then later kay Daddy. Mukhang busy pa kasi siya.” Sumulyap siya sa kinaroroonan nina Noah. Walang duda na ang singkit ang daddy niya. Wala akong magawa kundi ang magpatianod na lang at sumakay kasama niya sa golf buggy. Maigi na rin iyon para hindi ako mabore sa kahihintay kay Noah. Hanggang sa marating namin ang clubhouse ay hila-hila pa rin niya ako. Sa lounge ay may nakita akong nag-uumpukan na mga babae. Sa mga eleganteng kasuotan pa lamang ay masasabi kong mga socialite. Tila ba nakikipagtagisan ang mga ito sa suot ng mga alahas. Halata rin na dumaan sa mga ekspertong mga kamay ang makeup. I’m used to this kind of people. Kaya kong makipagsabayan sa kanila na hindi natitibag ang confidence pero iyon ay kung nakabihis din ako. Sobrang kaswal ng kasuotan ko na para bang naligaw lang ako sa lugar na ito. Magpagayun pa man ay sinubukan ko pa rin na magpakawala ng isang confident na ngiti. “Hi Mommy! This is Amber. Siya iyong idol kong model. Wala akong pinalampas na magazine o products niya. ‘Di ba sobrang ganda niya?!” Excited na pagpapakilala sa akin ni Annika. Magiliw na ngumiti si Mrs. Shintaro. Tumayo at nakipagbeso-beso sa akin kaya kahit papaano ay nawala ang pagkaasiwa ko. Pero naramdaman ko na ayaw ng mga socialite niyang kasama sa presensiya ko, lalo na ng mga kaedad ko. Ni hindi man lang sila tumitingin sa akin na animo’y wala ako dito. Well, I don’t care either. “Yes, hija. Alam mo bang kinulit pa niya ang kanyang ama na sumama dito nang malaman niya na pupunta ka rin dito.” “I’m flattered to hear that. By the way, nice to meet you, Mrs. Shintaro.” “Nice to meet you din, hija.” Pinakilala pa ako ng Ginang sa ibang kasamahan niya pero tango lang naging response sa akin. Bagaman nakangiti ako ay binigyan ko pa rin sila ng ‘I don’t care’ look. Pinaupo na ako na ako ng mag-ina sa bakanteng upuan. Thankfully, hindi pinaramdam sa akin ni Mrs. Shintaro na out of place ako at sa halip ay marami pa kaming pinagkuwentuhan. Maraming mga tanong si Annika na malugod ko naman na sinagot. “Tito!” Biglang sigaw ni Annika na excited na napatayo. Lampas sa likod ko ang tingin niya. “How’s my angel?” Buhat sa likuran ko ay lumitaw ang napakwapong lalaki na na-encounter ko kanina sa clubhouse. Napansin ko rin na umaliwalas ang mukha ng mga socialite. Sa kasuotan nila na tila a-attend ng party ay halatang walang interes sa sports, so for sure na ang lalaki ang pakay ng mga ito. Kanya-kanya ang mga ito ng bati sa napakagwapong uncle ni Annika. Pero wala sa mga ito ang pinansin ng lalaki. Bagkus ay nakiupo ito sa kanila nang mag-inang Shintaro. “Amber, this is my Tito Wyatt. Cousin siya ni Daddy. Do you know Universal Telco? Siya ang CEO.” Nalula ako sa nabanggit na kompanya ni Annika na kilala sa buong mundo. So, tama nga ako na hindi basta-basta ang lalaki. “Hi, Amber,” bati niya sa akin na kinuha ang kamay ko at dinala sa labi niya habang ang mga mata ay hindi mapuknat sa pagkakatitig sa akin. Pigil ko naman ang hininga ko. Ewan ko kung narinig ng katabi kong si Annika ang pagdagundong ng puso ko. C’mon, Amber! Alam na alam mo na ganyan bumati ang mga mayayaman! sita ko sa aking sarili. “H-hi, n-nice to meet you, W-wyatt.” At talagang nagkabuhol pa ang dila ko! Binitiwan na ni Wyatt ang kamay ko. Pagkatapos ay parang may sariling mundo na siya na nagbuklat ng news paper na kinuha sa rack. Napaka-elegante niya sa paraan ng pagkakaupo niya pero lalaking-laki pa rin ang dating. Naghuhumiyaw ang maawtoridad na presensiya. “Excuse me,” singit ng isang babae na pinakasopistikada sa lahat at perpekto ang arko ng kilay. Sa akin siya nakatingin “’Di ba, ikaw ang nasa tabloid last time. Something like, mistress ni Dave?” “Oh yeah, kaya pala ang familiar ng face mo.” Segunda rin ng katabi ng babae. “Oh yes, ako nga iyon. Dirty minded lang ang maniniwala sa articles na tungkol sa amin,” sabi ko sa kaswal na tono. Alam ko na gusto nila akong pahiyain at talo ako kapag magpapakita ng kahinaan. Sorry sila dahil hindi ako tipo na hahayaan na tapak-tapakan lang. Tumawa ang isa sa kasamahan ng mga ito ngunit siniko ng babaeng perpekto ang kilay. “Well, sabihin mo iyan in front of Diana. And viola, she’s here.” Sinundan ko ang kung saan nakatingin ang babae at para akong natuklaw ng ahas nang makita kung sino ang niluwa sa entrance ng clubhouse. Ang asawa ni Dave Suarez! Wala akong ginawang masama pero bakit kinakabahan ako sa mangyayari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD