AMBER’S POV
NAKANGITI na hinawakan ko ang desk plaque kung saan nakasulat ang pangalan ko. Wala akong makapang pag-alinlangan kahit naubos sa investment ang pera ko. Alam kong nasa mabuti akong mga kamay. So far, so good , I am very much satisfied with the result. Sa dalawang buwan ko bilang shareholder ay hindi kailanman bumababa ang stocks ng kompanya ni Noah. Ibig sabihin ay lalago pa ang pera ko.
Binigyan ako ng sariling opisina ni Noah. Nag-e-enjoy akong pag-aralan ang mga papeles na binibigay sa akin. Tulungan kaming dalawa. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng silbi lalo’t bukas si Noah tungkol sa mga suggestions ko. Nagamit ko rin sa wakas ang kurso kong business administration.
Bilang paghanda ay tinuloy ko pa rin ang short course or seminar tungkol sa negosyo na tumagal lang ng isang linggo. Gusto ko lang kasi ma-refresh ang utak ko. Mabuti na lamang at hindi ko nakalimutan ang mga natutunan ko noong college.
Maganda ang takbo ng relasyon namin ni Noah. Pakiramdam ko ay daig ko pa ang isang prinsesa kung pagsilbihan niya. Tinupad niya ang kanyang pangako na lagi akong ipagluluto. Kulang na lang ay magsama kami sa iisang bubong. Although, nagpaparinig si Noah pero mariin akong tumatanggi. Hindi ako open sa tinatawag na live in.
Totoo nga ang kasabihan na; looks can be deceiving. Isang malaking halimbawa diyan ay ako. Moderna lang akong tingnan pero ang totoo ay may konserbatibo akong paniniwala. Tulad halimbawa na ibibigay ko lang ang aking puri sa lalakeng asawa ko—ganyan kasi ako pinalaki ng magulang ko. So, kailangan muna ako pakasalan ni Noah.
Kung hindi niya kayang maghintay ay ibig sabihin lang ay hindi siya ang lalaking para sa akin. Pero infairness, nirerespeto niya ako. Never naman siya lumampas so far. Hanggang halik lang ang ginagawa namin. Kapag naramdaman kong gumagapang na ang kanyang kamay ay kagad ko siyang tinutulak. Mahirap na baka pareho kaming makalimot.
Bubuksan ko na sana ang computer nang bumukas ang pinto at iniluwa si Noah. Awtomatikong akong tumayo upang salubungin siya ng yakap. Hinalikan naman niya ako sa noo habang ang kanyang dalawang kamay ay nakahawak sa beywang ko.
“May shareholder meeting tayo mamaya. Dadating si Wyatt Rios ng Universal Telco. Nakahanda na ang business plan. Kailangan natin siyang makumbinsi na mag-invest sa kompanya natin. He’s a big fish.”
Nakita ko na tensyunado siya. Batid kong mahalaga ang magaganap mamaya. “Ano ang pwede kong maitulong?”
“Nothing. Gusto ko lang mag-observe ka para may matutunan ka.”
Tumango ako. Hinaplos ang magkaslubong niyang kilay. “You need to relax, Babe. Sobrang halata kasi na tense na tense ka.”
“Babe, matagal ko nang gustong masungkit si Wyatt. Makikilala ako sa buong mundo kapag nadikit ang pangalan ko sa kanya.”
“Sa sipag at tyaga mo, tiyak malalampasan mo kung saan ngayon si Wyatt. Maniwala ka sa kakayahan mo,” sabi kong inayos ang kanyang kurbata.
“Hindi pwede na masipag ka lang, Babe. Alam mo ang lakaran sa negosyo.”
“Alright! Basta confident ako na makukuha mo si W-wyatt Rios.” Nag-stammer pa ako nang mabanggit ang pangalan ng naturang business tycoon dahil sa hindi malaman na rason ay nakaramdam ako ng tila nagliliparan na mga paro-paro sa sikmura ko.
“Yes, hopefully,” wika ni Noah na hinubad ang suot na amerikana na awtomatiko ko naman na kinuha.
Maayos ko itong sinampay sa coat rack. Binalikan ko siya at hinila paupo sa executive chair ko. Pumuwesto ako sa likod niya. Pagkatapos ay sinimulan ko nang hilutin ang kanyang ulo.
“Thanks babe,” sabi niya na napapikit.
Tumagal nang ilang minuto ang pag-massage ko sa kanya. Akala ko ay nakatulog siya kaya dahan-dahan akong umatras para sana kunin ang papeles na inabot sa akin kanina ng sekretarya. Sa sofa ko na lang sana babasahin. Ngunit laking gulat ko nang hinila ako ni Noah at pinaupo sa kandungan niya. Awtomatikong pumulupot ang kamay niya sa beywang ko para hindi ako makawala.
“Nasa trabaho tayo,” sabi ko na malambing siyang hinampas.
“So?”
“Marami pa tayong papeles na pag-aaralan.”
“Baka nakalimutan mo na ako ang boss dito?”
Umiling ako. “Aba, nagmamalabis ka yata bilang boss.”
“Babe, just give me a minute. Gusto lang kita mayakap.”
“Sige na nga.” Gigil nakinurot ko siya sa pisngi.
Balak ko lang sana siyang kinatalan ng halik ngunit hindi na niya pinakawalan ang labi ko. Ngunit bago pa siya uminit ay narinig ko ang pag-ungol niya sa inis dahil tumunog ang intercom—ang sekretarya ko. May ipapakita raw sa akin. Malamang tungkol sa binebenta niya na mga damit at accessories. Bilang konsuelo kasi sa matyaga niyang pag-alalay sa akin ay sabi ko bibili ako ng paninda niya. Baka busy na naman kanina sa sales talk kaya hindi napansin ang pagpasok ni Noah sa opisina ko.
“Come in.” Actually, pwede naman na mamaya ko na muna papasukin si Rhea pero gusto ko kasi na tinutudyo ang nobyo ko. Sadista yata ako dahil gustong-gusto ko kapag naiinis siya. Ang boyish niya kasing tingnan.
Pero hindi si Rhea ang iniluwa ng pinto. Kundi ang isa sa mga executive na si Mr. Dela Vega. Malamang nag-give way ang sekeretarya ko.
“Noah, we need to prepare. Papunta na dito si Wyatt Rios. Alam mong ayaw niyang pinaghihintay.”
Awtomatiko naman na tumayo si Noah. Ito ang unang pagkakataon na makita siyang nagpa-panic. Naiintindihan ko rin naman ang reaksiyon niya. Ngayon na pinasok ko na ang mundo ng corporate world, aware na ako sa mga importanteng tao sa negosyo at isa nga doon si Wyatt Rios.
Noong nakaraang araw ay nagbabad ako sa harap ng laptop sa pag-research tungkol kay Wyatt. To the point na hindi ko namalayan na pati personal na buhay niya ay nakalkal ko na. Ang lungkot pala ng buhay niya dahil noong araw ng kasal niya ay namatay sa aksidente ang babaeng pakakasalan niya.
Para palang Cinderella ang story nila dahil galing lang sa ordinaryong pamilya ang babae. Gosh! Hindi na ako magtataka kung bakit na-in love ang isang Wyatt Rios sa kanya. Naglipana ang picture ng babae sa internet at kahit ako na sanay na makakita ng magagandang babae ay na-starstruck sa kanya.
Wyatt Rios is a highly sought-after bachelor. Maraming nahuhumaling sa kanya. Hindi na nakakapagtaka ito dahil nga hindi matatawaran ang kakisigan at kagwapuhan. Plus factor iyong nag-uumapaw niyang pera. Iyong babae pala na kasama niya sa club noong gabi na na-encounter ko sila ay fling niya. In short, playboy din pala.
Sobrang engross ako noon sa pagre-research na hindi ko namalayan na pumasok na pala si Noah. Naisara ko nang wala sa oras ang laptop ko. Para akong asawa na nahuling nangangaliwa. Imagine, wala naman akong ginawang masama pero na guilty ako. I admit kasi na attracted ako kay Wyatt. But not to the point na ipagpapalit ko si Noah sa kanya. Just like a normal girl, nagfa-fangirling lang din ako.
“Susunod na lang,” sabi ko habang pinasusuot kay Noah ang coat niya.
Hinalikan lang niya ako sa pisngi pagkatapos ay lumabas na silang dalawa ni Mr. Dela Vega sa opisina ko. Muli akong umupo sa harap ng table ko at inilabas mula sa shoulder bag ko ang lip tint. Kung walang show or performance ay hindi talaga ako naglalagay ng makeup dahil nangangati ako. Sapat na nga sa akin iyong lipstick lang sa tuwing papasok sa opisina.
Pero this time, kailangan kong mag-ayos dahil napakaimportante kay Noah ang araw na ito. Naglagay lang ako ng konting mascara para ma-empasize ang almond eyes ko at mahahabang kong pilik-mata. Sobrang mild lang ang in-apply kong face powder at blush on. Hindi halatang nag-makeup ako. Nagbigay lang ng fresh look sa akin.
Pinasadahan ko rin ng tingin ang suot ko. White fit knee-length dress na pinarisan ko ng black blazer na tinupi ko hanggang siko. Bumagay ang suot ko sa black ankle strap stiletto heels ko. Overall, I have this simple but elegant ko. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba at unat kong buhok.
Nang matapos ako sa pag-aayos ay kinuha ko na ang silver purse ko at lumabas na ng opisina. Kinailangan kong sumakay ng elevator dahil nasa 4th floor pa ang conference room. Dahil walang ibang sumakay ay nag-pose ako sa metal wall ng elevator. Ginagaya ko ang ginagawa ko kapag rumarampa sa catwalk. Natutuwa ko kasi ako sa suot ko. Feel na feel ko ang pagiging office girl ko.
Nag-pose ako ng mapang-akit na animo’y nag-aanya ng halik. Siyempre sa imagination lang ako wild dahil mahirap na kung totohanin. Baka masira ko lang ang binitawan kong pangako sa aking namayapang magulang. Yes, matitikman lang ako ni Noah sa gabi ng honeymoon namin.
Hindi ko napaghandaan ang pagbukas ng elevator kaya huling-huli ako sa nakakasiwang pose. Natuptop ko ang aking bibig habang pinalakihan ng mata nang unang bumulaga sa paningin ko si Wyatt Rios na amuse na nakangiti. Nasa likod niya ang iba pang executives. Siguro ay nilibot muna siya sa building.
Napahiya man ay pinilit ko pa rin na tumayo ng tuwid. “H-hi, g-good afternoon.”
“Good afternoon, Miss Ortega,” ganting bati ni Wyatt.
Tuluyan na silang pumasok. Magkatabi kami ni Wyatt. Hindi man niya ako nililingon ngunit batid kong nakatingin siya sa akin sa pamamagitan ng repleksiyon namin sa dingding ng elevator. Gusto kong matunaw sa hiya.
Bilang modelo ay dapat sanay ka sa pakikipagsosyalan. Hindi na mabilang ang mga big time na nakakahirap ko pero si Wyatt lang ang nakakapagyanig sa sistema ko. Siguro dahil sa tuwing nagsasanga ang landas namin ay nasa nakakaasiwang sitwasyon ako.
Nang sapitin namin ang 4th floor ay pinauna ko sila sa paglabas. Nakabuntot lang ako sa likuran nila. Sa conference room ay naghihintay na si Noah.
“Mr. Rios, natutuwa ako na pinaunlakan mo ang imbitasyon namin,” masayang salubong ni Noah.
Hindi sumagot si Wyatt. Hindi rin tinanggap ang pakikipagkamay ni Noah bagkus ay tumingin siya sa pambisig na relo. Bumangon ang inis ko. Arogante din pala ang isang ito. Oo, ipagpalagay na natin na higit na mas makapangyarihan siya sa sino mang tao na nasa loob ng conference room na ito, pero sana hindi niya pinahiya si Noah.
“Marami pa akong gagawin kaya umpisahan na natin,” pormal na wika ni Wyatt.
“Sure!”
Umupo na kaming lahat. Sa dulo ang pwesto ko. Kumunot ang noo ko nang hindi umupo si Wyatt sa unahan at bagkus ay pinili niya ang pwesto sa harap ko. Nakita ko rin na napamaang si Noah pero umiling na lang sa huli.
Pwede naman ipagawa ng nobyo ko sa iba ang presentation pero siya mismo ang aligaga sa lahat dahil alam ko kung gaano kasidhi ang kagustuhan niya na makuha si Wyatt Rios. Kung puputok ang balita na nag-invest sa kompanya namin ang bigatin na business tycoon ay sunod-sunod nang papasok ang investment.
Nagsimula nang magsalita si Noah. Gusto kong makinig sa kanya pero hindi ako makapag-concentrate dahil sa halip na unahan tumingin ay sa akin nakatutok ang mga mata ni Wyatt Rios. Ibig sabihin lang ay wala siyang interes sa meeting na ito.
Batid ko na mahaba pa sana ang presenation ng nobyo ko pero pinaikli na lang nang makita na hindi nakikinig sa kanya si Wyatt dahil nasa akin ang atensiyon.
Ni hindi alintana ni Wyatt na tapos na pala ang lahat. Naalis lang ang titig niya sa akin nang lapitan siya ni Noah.
“So, Mr. Rios, ano ang masasabi mo sa kompanya namin?” magalang pa rin na tanong ng nobyo ko.
“Very promising.”
“Do you consider investing in my company?”
“It’s too early to decide about that. Pag-iisipan ko muna ang lahat.” Bagaman sumagot ay sa akin nakatingin si Wyatt. “At depende sa kondisyon.”
Tila may pinahihiwatig siya sa huling salitang binitawan lalo na’t lantaran ang pagpapakita niya nang pagkagusto sa akin. I am not being conceited here. Manhid na lang ang hindi makaintindi sa inaakto ni Wyatt.
Sa totoo lang bilib ako sa haba ng pasensya ng nobyo ko. Kung sa ibang tao lang nangyari ito ay malamang napikon na.
“Kung ganoon salamat, Mr. Rios.” Nakipagkamay na si Noah sa kanya.
Inayos naman ni Wyatt ang suot na amerikano. “I have to go.”
“Mr. Rios—“
“Just wait for my call, Mr. Delgado,” He dismissed Noah. “Bye, Miss Ortega.”
Nauna na siyang umalis. Sumunod naman kaagad sa kanya si Noah. Naiwan akong nakatingin sa pintong nilabasan nila. Nakaramdam ako ng habag para sa aking nobyo. Alam kong nasagi ng husto ang pride niya pero nakuha pa rin ihatid ang aroganteng business tycoon.
Lalabas na lang sana ako nang bumukas ang pinto. Bumalik si Noah. Magkasalubong ang kilay. Galit ang mukha.
“F*ck him! Akala mo kung sinong Diyos!”
“Relax, Babe. As I said, hindi mo siya kailangan. Magtatagumpay ka sa sariling mong kakayahan dahil matalino ka at madiskarte.”
“I need him in my company!”
Nagulat ako sa pagsigaw niya. “B-babe.”
“He is bullsh*t! Lantaran pa niya pinapakita na kursunada—“ Natigilan si Noah.
Nalito ako nang makita na tila binuhusan siya ng malamig na tubig. Kumalma. Hinawakan pa niya ako sa magkabilang braso.
“Yes! Tama, gusto ka niya!” natutuwang sabi niya na tila ito ang kasagutan sa problema niya.
“N-noah?”
“You just need to date him. Kailangan mo siyang makumbinsi para matuloy ang partnership namin.”
“What?!” Gulat ako.
“This is for our own sake, Amber. Magpapakasal tayo pagkatapos.”
“And how about Wyatt then?” maang kong tanong.
“Just ditch him, simple as that. Kailangan ko lang ang pirma niya and that’s it.”
“Paano kung magalit siya?” Naiiyak ako sa mga naisip ni Noah. Hindi ba niya naisip na sariling girlfriend niya ang gagawing pain?
“Wala nang silbi ang galit niya.”
“He can sue us! Nag-iisip ka ba, Noah?! Lolokohin natin siya!”
“Gagawan natin iyan ng paraan. Basta ang importante ay mapapirma natin siya.”
Maang akong nakatingin kay Noah. Hindi ko akalain na ganito siya katuso pagdating sa negosyo.