AMBER’S POV NAKARAMDAM ako ng pagkailang nang makabalik na kami ni Wyatt sa living room. Lagpas hating gabi na. Tila wala yata siyang balak na umuwi dahil sa halip na magpaalam ay umupo pa siya sa sofa. “Wait lang,” sabi ko na sumenyas sa kanya na aakyat ulit ako ng kwarto. Ikukuha ko siya ng pampunas. Nabasa kasi ang buhok at polo niya. Baka magkasakit pa siya kapag natuyuan ng basang damit sa katawan. Nang makapasok sa kwarto ay kaagad ako naghalungkat sa closet. Marami akong damit na panlalaki. Pawang mga oversize plain shirt. Ito ang sinusuot ko kapag natutulog. Komportable kasi at para na ring bestida. Mayroon pa akong hindi naisusuot na shirt kaya ito na lang ang ipapagamit ko kay Wyatt. Nagpalit na rin ako ng damit. Oversize shirt pa rin naman suot ko pero pinarisan ko ng pajama