AMBER’S POV “DAHAN-DAHAN please,” sabi ko na binuksan ang pinto ng kotse ni Wyatt. Hiyang-hiya ako sa magkaibigan. Sila pa ang nagbuhat kay Kitty na kasalukuyan ay bagsak na talaga at wala nang malay sa nangyayari sa mundo. Daig pa ang lantang gulay. Mahina ang tolerance ni Kitty sa alak. Bagaman madalas ko siyang sinasama sa mga bar ay laging juice lang ang ini-order niya. Hindi raw kasi kaya ang mapait na lasa. Pero hindi siya matatawag na killjoy. In fact masaya siyang kasama. Ako na lang minsan napapailing sa energy dahil kahit hindi nakainom ay daig pa ang bulati na binudburan ng asin kapag sumayaw sa dancefloor. Minsan nga nahahawi na lang ang mga tao at nag-e-enjoy na lang sa panonood sa kanya. “Ang bigat ng kaibigan mo.” Reklamo ni Lance. Tapos na nilang ipasok si Kitty sa back