LUMABAS na rin ako sa pasilyo at nagtungo sa sala. Ngunit wala na akong naabutang mga tao dito. Mas malakas na rin ang tugtugan sa labas at hiyawan ng mga tao. Napalingon naman ako kay yaya Ronela na may dalang apat na feeding bottle. Mukhang sa kusina siya nanggaling. "Ate Glenn, kayo po pala. Ano pong nangyari sa inyo?" Lumibot ang mga mata niya sa kabuuan ko. "Ah, nabasa 'yong pants ko sa banyo. Nasaan 'yong mga bata?" "Nasa taas po, sa silid ni Sir Desmond." "Pwede ba akong sumama? Mayroon ka bang extra na plastic o bag na pwede kong paglagyan nito?" "May paper bag po sa taas." "Ah, sige. Sasama ako." Kaagad kaming umakyat ng hagdan. Sumunod na lamang ako sa kanya. Pagdating naman dito sa taas ay mayroon pa ring malawak na sala na kunektado sa isang malaking balcony. Nakak