LUMABAS muna ako ng banyo at sinilip ang kinaroroonan ni ate Lina sa sala nitong napakalaking mansion. Ngunit masyado itong malayo at abala pa sa masaya nilang pagkukwentuhan kasama ang mga hipag niya. Nakatalikod din ito sa bahagi ko kaya malabong makuha ko ang atensyon niya. Naiiyak na ako ngayon dito sa kinatatayuan ko. Wala akong iba pang pagpipilian kundi ang bumalik sa banyo. Isinara ko ang pinto at ikinandado. Muli kong dinampot ang short at brief na nakapatong dito sa countertop. Isa-isa ko ang mga itong pinagmasdan. Basketball short pala ito at may pangalan sa gilid. Kaagad ko naman itong binasa ng maayos. "Darell..." Tiningnan ko rin ang nakasulat pa sa kabilang bahagi nito. "Delavega Jr.... Darell Delavega Jr..." 'Yon kaya ang pangalan niya? Pag-aari niya kaya ito? Itinaas k