MULI na ngang nagkaharap sa korte sila Mama, Gilda at Theodore. Sobrang galit ang lumarawan sa mga mata ni Gilda habang nakatitig kay Mama. Samantala, wala naman kaming mabasang anumang emosyon mula kay Calvo. Inilahad kaagad ni attorney ang mga ebidensyang hawak namin laban sa kanila. Malinaw naman sa video ang ginawang panggagahasa kay Mama habang itinatali ni Gilda. Malinaw na malinaw din doon ang pagmamakaawa ni Mama sa kanila habang umiiyak. Isinalaysay din ni Mama ang buong pangyayari sa korte. Humarap na rin sila lolo at lola, matapos itong ipasundo ni Desmond sa mga tao niya mula sa Quezon. Ang planong surprise birthday party sana kay Daddy David ay hindi na natupad dahil nalaman na niyang naririto na kami sa Pilipinas. Kaagad kasing lumabas sa publiko ang kasong kinaharap muli