"Y-You dvmmy!" ani Zieke na kumunot ang noo ngunit nautal naman sa pagkabigla dahil sa sinabi ng dalaga. "Lasing ka na. Hindi na matino ang isip mo. Matulog ka na nga do'n!" Ngumiti si Rhian ngunit ang kaniyang mga mata ay may mga namumuong luha kaya umiwas ito ng tingin, "Alam ko na, siguro nga hindi talaga ako kaakit-akit. Baka nga masyado akong plain para sa mga lalaki. Baka nga... hindi ako maganda at sexy—" Napahinto si Rhian nang bigla na lang haplusin ni Zieke ang kaniyang pisngi at kabigin nito ang kaniyang ulo; dilat na dilat ang mga mata ni Rhian nang halikan siya ng binata sa kaniyang mga labi. Hindi niya inaasahang gagawin 'yon ni Zieke kaya naman ay napatulala talaga siya. ...Z-Zieke. Isang mariing halik na halos magpabaliw agad ng puso ng dalaga. Tumulo ang luha sa mga ma

