Matapos ang tanghalian nila ay nagsialisan na ang lahat ng naroroon maliban lamang kay aleng Tilde at si Angelic. Niyaya kasi ng ginang si Onofre na mag-uusap daw ang mga ito sa library ng ama ng lalaki ng nabubuhay pa ito. Nalaman niya ring isa palang abogado ang ama nito at pinatay ng binatilyo pa lamang ito. Mabilis siyang tumayo at tinulungan ang matanda sa pagliligpit. Tila nabigla ang ale sa kaniyang pagtulong rito. "Tulungan ko na po kayo manang.." aniya rito. Nakamaang na nakatingin ito sa kaniya. Tila ba tinatantiya siya nito. "Okay lang po. Marunong po ako nito.." pagbibigay assurance sa matanda. Wala man itong imik ay hinayaan na siya nito. Mabilis niya namang niligpit lahat iyon at siya na mismo ang naghugas matapos nitong nilinisin ang komedor. "Ikaw ang bigay ng maykapal.