Ngumiti ako kay Xenon nang makita ko siyang sumungaw sa kwarto at masiglang bitbit ang tray ng pagkain. Pinilit ko na maging matamis ito sa kanyang paningin kahit na sobra akong nanghihina dahil sa aking paglilihi. Nagising na naman kasi ako na masama ang pakiramdam. Mabuti na lang at hindi niya narinig ang aking pagsusuka sa banyo nang magising siya. Sabagay, naging okay na ako nang lumabas ako sa banyo at parang walang nangyari na nahiga muli sa kanyang tabi. "Here's your request, honey. Ipinagluto kita ng sinigang sa miso, na paborito mo," pagbabalita niya. Nang magising siya ay ang gusto kong pagkain ang tinanong niya kaagad. Tanghalian na 'to at agahan dahil pareho kaming late na nagising. "Wow! Salamat!" masaya naman na bulalas ko. Sa wakas! Makakatikim na ako ng sinigang sa miso