(LUCAS) Muntik ko ng maitapon ang cellphone ko nang sa pang limang pagkakataon ay hindi pa rin sinasagot ni Amelie. I do'n't know what's happening to her. Bigla na lang na hindi sinasagot ang text o tawag ko. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin kaya parang mababaliw ako. Ilang araw na rin mainit ang ulo. Mabilis akong magalit sa sekretarya ko. Kung sino na lang ang sinisinghalan kong empleyado. Marahil ay nagtataka na sila kung bakit ako nagkakaganito. Maging ako ay hindi ko rin alam. First time ko magkaganito - dahil sa isang babae pa! For God's sake! Ano naman kung bigla akong iwasan ni Amelie, hindi ba iyon naman ang gusto ko noong umpisa pa lang dahil nakakairita ang kakulitan niya? Pero ano itong nangyayari sa akin? Bakit parang mababaliw ako na hindi ko siya makausap at