Kimberly Marquez NAKAPAKO ang ngiti sa aking mga labi habang nakatayo sa tapat ng bahay nila Seven. Kasalukuyang nakatayo sa aming harapan si Seven at ang kanyang mommy at daddy, sa likuran naman namin ay ang taxi at pick-up truck na magdadala ng gamit namin sa bagong bahay. Tila nasa alapaap ang aking isip habang nakangiti at diretsong nakatingin kay Seven, ganoon din naman siya sa 'kin. "Kailangan nyo ba talagang lumipat ng bahay? Okay lang naman sa 'kin kahit dito kayo tumigil nang matagal. Masaya nga at maykakuwentuhan ako," malungkot na wika ni Tita Martha sa mommy ko. Nakahawak siya sa kamay ni mommy at animoy pinilipit na manatili na lang rito sa kanila. "Ano ka ba, Martha? Alam mo namang hindi pwede 'yan at nakakahiya na rin. Masiyado na kaming nasanay at kampante sa bahay nyo