Kimberly Marquez ANG lahat ay may ngiti sa labi nang i-announce ng adviser ng fashion club ang magandang balita. Nakakalap kami ng sapat na halaga para sa orphanage na pagbibigyan nila. Kasalukuyan kaming nasa loob ng clubroom at dito na rin tinapos ang pag-aayos ng sarili at pagpapalit ng costume. Habang ako ay nakikinig sa mga bagay na sinasabi ng club adviser, hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng saya sa aking puso dahil naging bahagi ako ng pangyayaring ito, isang event na makatutulong sa mga bata sa loob ng bahay ampunan. Isang mainit na palad ang naramdaman kong humawak sa aking balikat. Sa paglingon ko sa kaliwa, bumungad sa akin ang mukha ni Seven na ngayon ay may matamis na ngiti sa labi, tila nagsasabing, proud siya sa 'kin at masaya rin sa naging resulta ng event. Sinanda