Seven Hunk Perez SA PAGSARA ko sa screen ng aking laptop, isang bagay ang napansin ko. Kumunot ang aking noo nang makita ko ang aking personal phone na nakapatong sa lamesa na nasa tapat ng sofa rito sa loob ng aking opisina. Nilagay ko ba roon ito kanina? Ang alam ko ay ginamit ko pa ito matapos kong tawagan si Kim kanina, ngunit hindi ko alam na nasa lamesa ko pala ito naipatong. Hinagod ko ang aking sentido. Marahil ay sa dami ng aking trabaho nakakalimutan ko na rin ang mga bagay-bagay. Matapos kong ayusin ang gamit ko, nagsimula akong lumakad at kinuha ang cell phone na nakapatong sa lamesa. Kibit-balikat na lang ako kung paano ito napunta rito at binalewala ito, saka ako tuluyang lumabas ng opisina. Sumakay ako sa executive elevator at nagtungo sa parking lot ng building. Muli