HAPON na, tahimik lang ako habang lulan ng sasakyan at nakaupo sa tabi ni Aze na nagmamaneho. Nakabuntot naman sa likuran namin ang tatlong sasakyan ng kanyang mga tauhan. Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta, pero ayoko nang mag-usisa pa, dahil wala rin naman akong magagawa kung saan man ako nito gustong dalhin. “Nga pala, naasikaso ko na ang kasal niyo ni Nicolo. Napa-annulled ko na, kaya wala ka nang dapat pang ipag-alala sa kanya. Puwedeng-puwede na tayong magpakasal ano mang oras natin gustuhin. Kahit nga bukas ay puwedeng-puwede kung gusto mo.” “Kasal pa rin kami ni Drew. Kaya hindi tayo puwede magpakasal,” irap kong sagot at binaling na lang ang tingin sa bintana. “Tsk. Fake naman ang kasal niyo dahil peke ang ginamit mong pangalan, kaya walang bisa 'yun.” “Ayoko sa 'yo,” mul