MAGHIHINTAY ako, dahil alam kong darating si Drew. Hindi pa siya patay, babalikan niya pa ako para iligtas, at magiging masaya ulit kami. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay magtiis muna ng konting panahon, maging sunod-sunuran muna kay Aze para makuha ko ang loob nito pansamantala at hindi na ako pagmalupitan pa. Titiisin ko muna ang lahat hanggang sa dumating si Drew para bawiin ako, kaming mag-ina niya. Hindi ko lang alam kung saan na ba talaga tinago ni Aze ang anak ko. Sa isang linggo na lumipas ay hindi ko pa ito nakikita muli. Nangungulila na ako sa anak ko, sobrang na-miss ko na pero wala akong magawa. Nang tanungin ko si Aze kung maaari ko na bang makita at makasama ang anak ko, ang sagot lang nito sa akin ay makikita ko lang ang anak ko kapag naging masunurin na ako sa kanya.