"Nasaan ang mga bata?" iyon ang unang tanong ng lalaki nang lumabas siya ng mansion at makitang mag-isa ko lang. Walang pasok si Andeng ngayon. Sa lunes na ang balik n'ya sa trabaho. Kaya naman mas ginusto na lang din ng dalawang bata na magpaiwan. "Nagpaiwan." "Sinong bantay? Iyong asawa mo? Iyong tatay nila?" nagsalubong pa ang kilay ng lalaki. Pero hindi siya nakakuha ng sagot sa akin kahit na curious na curious siya. Friday ngayon. Bukas ay piyesta rito sa bayan ng San Ildefonso. Balak kong balihin na iyong naitrabaho ko kahapon at iyong para ngayon. Gusto kong maidala sa bayan ang dalawang bata para makapag-enjoy. "Hindi ka na rin marunong sumagot?" "That's personal, sir. Nandito ako para magtrabaho." Tumalim ang tingin nito. Halatang nainis sa naging sagot ko. "Let's go." Inis