Emilia’s POV “Ate, akala ko hindi mo na kami susunduin. Sinabi kasi ni kuya Ale sa amin kaninang umaga na may kotse raw na susundo sa amin dito sa paaralan.” Wika ni Alvin. Naupo lang ang dalawa sa gilid ng kalsada ngunit kaagad naman itong tumayo nang mamataan ang aking presensya. “Hindi pa rin ako kampante, Alvin. Paano kung ibang sasakyan ang susundo ninyo rito? Paano kung sa ibang lugar kayo ihahatid? Mas mabuti nang ako na mismo ang susundo sa inyo para masigurado ko ang kaligtnasan ninyo.” Wika ko kasabay ang paghawak ko ng kamay ni Kisha. “Tara na, magtataxi na lang tayo pabalik sa hotel.” Sambit ko habang hawak ko ang kamay ni Kisha habang si Alvin naman ay hinihipo ko ang buhok. Ngumiti muna ako kay Alvin bago pa tuluyang umalis sa kinauupuan nila at pumara na ng taxi. Alas sai