Emilia’s POV “What are you waiting for, Emilia? I said,” huminto ito sa pagsasalita kasabay ang dahan—dahang pag-usad ng mukha nito papunta sa akin. Ilang pulgada na lang ang layo ng kaniyang mukha mula sa akin dahilan upang maramdaman ko na naman ang mainit niyang hininga. “Take of your clothes,” pagpapatuloy pa nito na sa sobrang lapit ay parang pabulong na niya iyong sinambit sa akin. “A—ale. H-hindi ba masyadong maaga para rito? Saka hindi pa naghapunan ang mga bata. Ba—” “Just say what I asked, Emilia. Mahirap bang sundin iyon?” he said in a bossy tone voice. “Pero, Ale…” “Tsk, take of your clothes and change. Aalis tayo ngayong gabi kasama ang mga bata,” mabilis nitong sambit sa akin dahilan upang mapakagat ako ng sarili kong labi—dahil na rin sa kunting hiya sa aking isipan.