HALOS kalahating taon ang lumipas nang mangyari ang pagkidnap sa amin ni Nicole, nang dahil sa pagiging obsessed ni Liam sa akin. Hindi ko inaasahan na ang friendly gestures na pinapakita ko sa kanya ay iba sa paningin niya. Sa ilang buwan na iyon ay hindi ako lumabas at nakapasok sa school, pakiramdam ko kasi ay pupuntahan ako ni Liam at kukunin ulit, ganoʼn din ang naramdaman ni Nicole. Kaya humingi kami ng pasensya sa kanya at sa magulang niya. Sinabihan lang kami ng pamilya ni Nicole na hindi ko kasalanan, sa nangyaring sa aming dalawa. Ang may kasalanan talaga ay si Liam at si James ay nauto lamang din siya ni Liam. Na kapag nakuha niya ako ay tutulungan siya ni Liam sa babaeng gusto niya, ang babaeng gusto niya ay si Mia. Kaya ginawa niya iyon sa amin ni Nicole. “Isla...” Napali

