NAIDILAT ko ang aking mga mata at napatingin sa paligid, puro puti lamang ang aking nakikita. Nilibot ko ang buong sulok ng k'warto at maging ang aking kinahihigaan at maging ang blanket na nasa katawan ko ay puti rin. Pinilit kong bumangon at umupo sa kama, nanghihina man ang pakiramdam ko ay kinaya ko pa rin. Sumandal ako sa kama at hinabol ang aking hininga. Nanunuyo na rin ang aking lalamunan. “T-tubig...” Mahinang sabi ko pero walang nakakarinig sa akin. Wala rin kasi akong kasama sa room ko ngayon. Napalingon ako sa tabi ng kama at nakita ko roon ang isang bottled water, puno pa ang laman nu'n. Kahit masakit ang buong katawan ko, isama mo pa ang tama nang baril na nakuha ko mula kay Liam, ay kinaya kong bumangon para makuha ang bottled water. Nakaupo na ako sa gilid ng hospital b

