Nang makarating kami sa studio ay may ga local artist ako kaagad na nakita roon at karamihan sa kanila ay agad akong nilapitan at nakipagkilala sa akin. Masaya ako na nangyari iyon dahil hindi naman mapagkakaila na minsan na rin akong humanga sa kagalingan nila sa pag-arte lalo na noong hindi pa naman ako napapasok sa pagiging model. "You're so beautiful in person pala talaga!" natatawang sabi sa akin ni Lorin na isa ring artista roon. Natawa naman ako at napailing dahil lahat sila ay iyon ang sinasabi sa akin. Hindi na rin naman ako nagulat nang makita kong naroon si Jayson kaya nang nakita ako ay agad din itong lumapit sa aki para batiin ako. "Good morning, Ariana!" nakangising bati sa akin nito. Napangisi rin naman ako at pabiro siyang inirapan. Maraming mga staffs doon na nagpapapi