Nanatili ako sa tabi ni Jacob hanggang sa nagising siya at kita ko sa mga mata niya ang gulat dahil naroon ako. "Hey," nakangiting bati ko sa kaniya. Ang gulat na mga mata niya ay bumalik muli sa pamumungay dahil kagigising niya kaya napangiti naman ako. Tamang-tama lang naman na kararating lang ng pinainit kong pagkain niya. Nalagyan ko na rin siya ng towel sa noo niya na binasa ko gamit ang mainit na tubig kaya sigurado ako na mayamaya lang ay bababa na ang lagnat niya. "What are you doing here? Tapos na ba ang trabaho mo?" sunod-sunod niya agad na tanong gamit ang namamaos na boses. "Tapos na ako sa trabaho at gusto kitang alagaan kaya ako nandito," sagot ko sa kaniya at nagkibit ng balikat. Napakusot naman siya sa mga mata niya at napahugot ng malalim na hininga kaya tumingin ako