"Hanggang ngayon talaga Ate Aria hindi pa rin ako makapaniwala na ayos na nga kayo ni Ate Alexa at Kuya Nikolai," sabi naman ni Ayana nang kaming dalawa na lang ang natira sa kwarto niya. Humugot naman ako ng malalim na hininga bago umikot at dumapa para makaharap kay Ayana na nakatalikod sa akin. Ipinatong ko naman ang baba ko sa dalawa kong palad bago nagsalita. "Yeah. Iyon naman ang tama hindi ba? Ang mahalaga masaya na ako ngayon.. tayo, masaya na tayong lahat," sagot ko at muling napabuntonghininga. "Good to hear that from you. You are so brave," sabi sa akin ni Ayana pagkatapos ay pinaikot niya ang upuan niya para makaharap sa akin. Napangiti naman ako at napatango dahil sa tagal nang taon ay hindi ko rin naisip na kaya ko pa lang magpatawad para maging mas masaya sa buhay. Ayoko