Andrea’s POV ALAS sais nan ang makabalik kami sa kung saan kami nagtitipon-tipon kanina, sa community hall. Halos isang araw rin pala kaming umaakyat ni Zandrick sa bundok na iyon. Hindi ko alam pero parang unti-unti ko na ring narealize na worth it naman ang pag-akyat namin doon. Sa isang araw naming magkasamang umaakyat doon ay may mga bagay na hindi ko inaasahang mangyari sa amin sa bundok na iyon. Hindi ko maipagkakailang unti-unting nagbago ang paningin ko kay Zandrick sa mga sandaling iyon. Mahirap mang aminin pero alam na alam ko sa sarili ko na talagang kakaiba siya sa mga lalaking nakakasalamuha ko. He’s different at hindi ko alam kung kakaiba rin ba ang nararamdaman kong ito. Ako iyong tipong taong hindi nagpapdalos-dalos. Kung alam kong hindi ako sigurado ay kailan