Chapter Six: I like your smile

2692 Words

“Ang galing-galing naman ng apo ko! Pagpunta namin ng Papu mo r’yan ay bibili tayo ng mga laruan. Ano ba ang gusto ng apo ko?” Mula rito sa kusina ay naririnig ko ang boses ng aking ina na nakikipag-usap kay Skye. Natatanaw rin mula rito sa bar counter ang salas ng bahay. Nakaupo sa carpet si Skye habang ang kanyang iPad ay nakapatong sa center table. Ipinakikita ng anak ko sa kanyang Mamu at Papu ang mga star na nakatatak sa kanyang braso. Bilang supportive naman na lola ay kulang na lang magpa-pansit ang aking ina. Nandito ako sa kusina dahil nag-request si Skye na gusto raw niya ng champorado at iyon nga ang lulutuin kong meryenda namin mamaya. Nakapag-grocery naman ako kanina, bumili na ako ng naka-box para madaling lutuin. Medyo maulan kasi ngayon. Sakto nga kanina pagdating nami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD