“Hi, sweetheart!” I hugged my son tightly the moment I saw him coming out of their classroom. Pinupog ko pa siya ng halik na para bang ang tagal naming hindi nagkita kahit na halos dalawang oras lang naman ang nakalipas. Kanina bago umuwi sa bahay ay dumaan na ako ng grocery dahil hindi pa halos kumpleto ang mga nabili naming stock. Pagkatapos ay naglinis at nag-ayos lang ako nang kaunti sa loob ng bahay. Ilang minutong pahinga ay bumalik ulit ako rito sa school para sunduin sina Skye at Ate Lenlen. “You seem to miss me so much, mom…” bulong ng anak ko na walang nagawa kung hindi tanggapin ang mahigpit na yakap at mga halik ko. Natatawang humiwalay ako. Of course! Mawala nga lang siya sa paningin ko nang saglit ay hinahanap ko na agad siya. “So how was it? How’s your first day in