Isang mabilis na halik lang iyon pero pakiramdam ko ay napunta sa kalawakan ang kaluluwa ko, nanghina ang mga tuhod at binti ko, nakakabingi ang malakas na kabog ng aking puso, at tila nagbuhol-buhol ang mga salita sa aking utak. “I have always wish for this day to come, baby…” Pinaglapat niya ang aming mga noo habang sapo niya ang magkabila kong pisngi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Dapat ay tinutulak ko na siya sa mga oras na ito. Hindi ba at ang sabi ko ay hindi na ako magpapadala sa matatamis niyang mga salita? “Where I can finally hold you inside my arms,” dugtong na saad pa niya sa pinakamasuyong tono ng boses. Ang mainit at mabango niyang hininga na tumatama sa aking mukha ay sapat na para pawiin ang dulot ng malamig na panahon. Nakuha ko pang pumikit na tila mas dinadama