“Alena, tara na. Pupunta na tayo sa bahay ni Lance.” Wika ni Melai. Nakarating na ito kani-kanina lang. Mahigit tatlong oras ring nawala si Melai. Ang akala ko ay nag-grocery siya ng mga pangangailangan ni baby Josh pero umuwi siya na walang dala. Nagtaka ako dahil hindi siya umaalis na walang dalang pinang-grocery. Hindi ko na lang masyadong pinansin. Tulog pa ako nang gisingin ako ni Melai kanina. Niyugyog pa nga ako nito na para bang nagmamadali sa pagpunta sa bahay ni Lance. Sa pagdinig ko sa pangalan ni Lance ay para bang napakabigat sa aking pakiramdam. Umupo ako sa edge ng kama at tumulala. “Alena, bilisan mo na diyan. Mag-ayos ka, ha,” sigaw ni Melai mula sa sala. Mukhang nililigpit ang mga toys ng kanyang anak. Para bang nagmamadali siya sa hindi ko malamang dahilan. Para saan