HINDI ako napaalis sa istasyon hangga't hindi ko nakikitang kumikilos ang mga awtoridad. Maya-maya naman ay nagsimula nang magsisakay ang mga operatiba sa kani-kaniyang mobil cars. "Hindi ba natin sila pwedeng sundan man lang? I promise I won't do anything. Maghihintay lang ako sa sasakyan. Hindi rin kasi ako mapapakali sa hotel." "Pasensiya na, Mr. Vigliotti, pero mahigpit po ang bilin sa amin na h'wag kayong hahayaang sumunod sa kanila. Sundin na lang po natin ang utos ng nakakataas." Wala na akong nagawa kundi ang umalis ng istasyon at mag-check in sa pinakamalapit na hotel. Kasama ko ang dalawang opisyal at nakabantay sila hanggang sa pinto ng kwarto ko. Hinubad ko ang coat ko at inihagis sa kama. Inihilamos ko ang palad sa aking mukha. Paroot-parito ako. Hanggang sa naisip kong t