RAMDAM ko ang panlulumo. Literal na nanghihina ang katawan ko dahil sa kawalan ng pag-asa. Natanaw ko na ang bahay ng huwes na magkakasal sa amin. Hindi maipinta ang mukha ko samantalang kapapansin-pansin ang masayang mukha ni Mr. Gardiola. Ipinarada ng driver niya ang aming sinasakyan. Kasunod lang namin ang sinasakyan naman nina Itay. Sumama talaga si Itay hanggang doon marahil ay upang matiyak na hindi ko matatakasan ang kanyang boss. Nakita ko ang maliksing pagbaba ni Itay ng kotse at ang mabilis na paglapit sa amin. Pinagbuksan pa niya ng pinto ang amo at agad namang bumaba ang katabi ko. "Tayo na sa loob, Chayong." Kung maaari lang ay h'wag na akong bumaba. Pakiramdam ko kasi ay katapusan ko na oras na lumabas ako ng kotse. "Chayong, bingi ka ba? Baba na!" Nang hindi pa rin