***** CARA ***** NAGULAT si Cara nang napagbuksan niya ng gate si Nang Masing. “Nang!” bulalas niya na natuwa pagkuwan. Napayakap siya sa matandang ngiting-ngiti rin sa pagkakakitang muli sa kanya. “Kumusta, anak?” “Okay lang naman po. Kailan ka dumating, Nang? Bakit hindi ka tumawag kay Evo para nasundo ka?” sunod-sunod niyang tanong. “Ayos lang. Tinulungan naman ako ni Rucia.” Nang binanggit ni Nang Masing ang pangalang Rucia ay saka lang lumabas ang dalaga at nagpakita kay Cara. Tipid itong nakangiti. “Anong ginagawa mo rito?” Napakabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Cara. Parang may sumakal bigla sa kanya dahilan para matigilan siya at kapusan saglit ng hininga. “Cara, nagpasama lang ako sa kanya nang sinabi ni Mama Yda mo na dito muna kayo titira ni Evo. Pero aalis d