***** EUNICE ***** “KUMUSTA naman si Cara?” tanong ni Eunice na isiniksik ang mukha sa leeg ni Evo. “At ni Nang Masing? Sa tingin mo may alam na talaga siya?” “Cara is okay. And I think I was wrong in suspecting Nang Masing,” sagot ni Evo. Umiwas ito, bumangon at umupo sa gilid ng kama. Nalislis ang kumot hanggang balakang nito. Tumambad ang matipuno nitong katawan. His body was hard and chiseled with mediocre muscles. Hinila naman niya ang kumot upang takpan pa ang hubo’t hubad na katawan. Itinaas niya iyon hanggang kili-kili. “Nice then, pero paano mo nasabi?” “Dahil ganoon pa rin naman ang pakikitungo nila sa akin. Walang nagbago. Ganoon pa rin siya,” saad ni Evo habang sinisindihan ang sigarilyo. Humalukipkip siya habang nakahiga. Ngumiti. “Mabuti naman kung gano’n. Eh, iyong Ruci