Part 8

1703 Words
***** RUCIA ***** “HI, sir,” bati ni Rucia kay Evo nang malapitan niya ito sa table kung saan niya nakita kaninang nagsasayaw siya. Kung makapigil-hininga ang kaguwapohan ni Evo Alfuente sa mga nagdaang-araw na nasilayan niya ito ay higit na ngayon. His long-sleeved white polo shirt was carelessly rolled halfway to his elbows. Boss na boss ang dating nito na siya namang kinagigiliwan niya sa isang lalaki. The executive type. Subalit ay tinanguan lang siya nito. Suplado talaga. Walang paapaalam si Rucia na umupo sa tapat ng crush niya. Lihim na kinikilig siya. “Hindi ko alam na puwede ka sa lugar na tulad nito.” Napipilitan lang na sinulyapan siya ng kinakausap. Tila ba ay tamad na tamad magsalita por que siya ang kumakausap dito. Pansin na talaga ni Rucia noon pa man na parang mabigat ang kalooban ni Evo sa kanya, at hindi niya mawari kung bakit. Mabait naman siya. Ang friendly nga niya kay Cara, eh. At wala iyong halong kaplastikan. Kahit naman crush niya si Evo ay wala naman siyang balak na mang-agaw, lalo na’t may pinagdadaanan ang mag-asawa. Napakawalang konsensya naman niya kapag ganoon na aagawin pa niya si Evo gayong may sakit si Rucia. Kahit ganito ang trabaho niya ay tao pa rin naman siya. May puso’t kaluluwa at balunbalunan pa rin naman siya. At saka para sa kanya ay perfect husband and wife na sina Evo at Cara kaya ayaw niyang sirain ang relasyon ng dalawa. Hanggang paghanga na lang siya kay Evo hangga’t kaya niyang kontrolin ang kanyang kalandian. Kuntento na siya sa mga tanders niya na bumubuhay sa kanya. Malapit na silang kunin ni Lord kaya sila ang mga dapat niyang dinadala sa rurok ng kasalanan para naman mag-enjoy sila sa natitira pa nilang hininga rito sa lupa. Kung papatusan siya ni Evo kahit isang gabi lang ay di konsolasyon na lang niya iyon. ”Buti pinapayagan ka ni Cara?” papansin pa rin niya. At para makuha niya ang atensyon ng guwapong kaharap ay inagaw niya ang alak na dapat ay iinomin nito. Siya na ang uminom. Nagtatawa ang mga kasama ni Evo. Mga lima silang lalaki at may kanya-kanya na ring mga babaeng ka-table. Kamot naman sa may tainga na lang si Evo. Napahiya. “Bawal ang walang dila rito, sir,” tukso pa ni Rucia. “Nahihiya yata si Sir. Doon muna kami,” paalam na ng isang lalaki. Inakay na nito ang kasamang babae. “Out na rin kami, sir,” paalam din ng isa mismo kay Evo kasama rin ang ka-table nito. At sunod-sunod na nga hanggang sa sina Evo at Rucia na lang ang natira sa table na iyon. “Kung nag-aalala ka na isusumbong kita sa asawa mo dahil hindi niya alam na nagpupunta ka rin pala sa ganitong klaseng lugar. Huwag kang mag-alala, sir, naka-zipper ang mga labi ko,” patuloy na pilyang wika ni Rucia nang masolo niya si Evo. “No need because my wife will surely understand. Edukada siyang babae, kaya kahit malaman niya ay wala kaming magiging problema,” sa wakas ay mga salita na ni Evo. “Sabagay.” Rucia smiled sadly. Hindi niya itinago na nasaktan siya sa lantarang pagkukumpara ni Evo sa sa asawa nito sa kanya. Wala pa man ay pinaramdam agad sa kanya ni Evo na walang-wala siya kay Cara. Kulang na lang ay sabihing tantanan niya ito dahil hindi nito ipagpapalit ang asawa sa katulad niyang mababang klase ng babae. Sakit. Bahagyang lumambot ang mukha ni Evo. “I mean nothing. I just answered your question,” at saka panlilinaw nito sa mga nasabi. May ilang sandaling napatitig si Rucia sa guwapong mukha ng kaharap bago muli siyang ngumiti at nagsalita ng pa-cute ulit. “Okay.” Umiwas ng tingin si Evo. Hinanap ang mga kasamahan. “Naku, huwag mo nang abalahin ang mga kasama mo. Magpupunta na ang mga iyan sa langit mamaya,” Rucia said flirtatiously. Evo muttered an oath pagkuwa’y tumungga ng alak. Mukhang hindi sanay ito sa mga bulgarang usapan kahit lalaki ito. Prenteng sumandal sa kinaupupuan niya si Rucia. Iniayos ang coat niya na tumatabing sa halos hubo’t hubad na niyang katawan at iniyakap ang mga braso sa sarili. “Sinamahan ko pala kanina si Cara sa doktor niya. Wala raw kasi siyang kasama. Mabuti na lamang at narooon ako kasi ang layo pala ng ospital na pupuntahan niya.” Evo had been speechless for a more seconds. Mukhang may natamaan sa ego nito. Probably napahiya dahil ang cold nito sa kanya gayong kung tutuusin ay may utang na loob ito sa kanya. Hindi makakapagpa-checkup si Cara kung hindi dahil sa kanya. Kung OO man ay pwedeng baka napahamak na ang asawa nito dahil walang kasama na nagpunta sa doktor nito. “Hindi siya sinamahan ni Eunice?” Umiling siya. “Kasasabi ko lang na ako ang sumama. Iyong plastik niyang kaibigan, busy raw.” “I’m sorry if my wife bothered you. Sabi niya kasi ay sasamahan siya ni Eunice kaya kampante ako na iwanan siya kanina.” Malungkot na ngumiti siya. “Hindi ka dapat nakakampante sa kalagayan ng asawa mo. Napakadelikado pala ng sakit niya. Dapat naglalaan ka ng special time sa kanya. Oo nga’t mahalaga na may pera kasi lifetime na ang gamutan niya at hindi na siya makakatulong sa’yo pagdating sa pera, pero mas mahalaga pa rin ang oras mo.” Sa haba ng sinabi niya, Evo had ignored that. Pinanood lang nito ang kumakantang babae naman sa pinaka-entablado ng bar. Tila ay walang narinig. Walang duda sanay talaga itong mandedma. “Joke!” Dahilan para magpanggap si Rucia na wala lang ang sinabi niya para hindi siya mapahiya. “Malalaki na kayo para hindi alam iyon. Nagmamatalino lang ako. Bagay ba?” pagkasabi niyon ay humagikgik siya. Balik makulit na siya. At para hindi mabanas sa kanya nang tuluyan si Evo ay nakinood muna siya sa kumakantang si Eyrna. Yeah, ang kaibigan niyang si Eyrna ang magaling na kumakanta sa entablado. Kung siya at sa Candy ay magaling sa paggiling, si Eyrna naman ay biniyayaan ng golden voice. Proud na proud siya sa kaibigan niya. Hiling nga niya kay Eyrna ay sana may maka-discover dito na talent manager para maging artista na lang ito. Sayang ang talent kasi ni Eyrna at ang kagandahan nito. Ibinabalik lang niya ang tingin kay Evo kapag tumutungga ng alak ito. At masasabi niya talagang nakakalaglag panty ang lalaki. Kahit nakaupo ito ay halata ang katangkaran nito. Maybe a six-foot-tall, with an athletic build. Ang kanyang mga mata na animo’y laging kakain ng buhay was sorrounded by a tangle of thick lashes. He has a sensual lips at medyo pangahan. Tila ay modelo ito na naligaw lang sa bar sa sandaling ito dahilan para kahit ang ibang kababaehan ngayon dito sa bar ay napapalingon sa dako nila at naiinggit sa kanya. Ang mga tingin ay parang gusto agad matikman si Evo. Wait, hindi naman siguro masama kung gugustuhin din niyang tikman ito sa kama. At siya ang gagawa ng paraan dahil imposibleng magkusa si Evo. Ipinilig ni Rucia ang kanyang ulo. Lumabas kasi sa utak niya ang nakangiting larawan ni Cara. Nakonsensya siya agad. Hindi niya malaman kung kaiiinisan niya ang sarili o pagtatawanan. Kailan pa siya nagkaroon ng konsensya sa klase ng trabaho niya? Natural na sa lahat ng babae rito na mang-agaw ng asawa. “Bakit ang bait mo sa asawa ko?” mayamaya ay pukaw ni Evo sa pagkatulala niya. “Mabait kasi ang asawa mo,” simpleng sagot niya pero may sinseridad. Inisang lagok na ni Evo ang laman ng baso nito pagkatapos ay tinitigan siya. “Iyon lang? Iyon lang ang dahilan kaya lagi ka sa bahay?” “Gusto ko na nakikita ang mga pictures mo sa bahay niyo. Crush kasi kita,” ang muntik na niyang naisagot mabuti na lamang at napigilan niya ang pangahas niyang dila kahit ngayon lang. “Oo naman kasi mabait din naman ako. Bagay kaming maging magkaibigan hindi tulad ng Eunice na iyon na maldita,” sa halip ay naisabi niya. Tumango-tango ito. “Eunice and Cara had been friends for a decade now.” “Oh, bakit? May mga traydor pa rin na kaibigan kahit matagal na silang magkaibigan,” katwiran niya. “Ah, basta mabigat ang loob ko sa Eunice na iyon kasi parang may tinatago siya. Pero satin-satin na lang ‘yon, ah?” Ang katahimikang sumunod ang nagpabahala sa kanya. “Oy?” Sinundot niya ang braso ni Evo. “Huwag mo nang ipaparating kay Cara ang sinabi ko, ah?” “Of course,” tipid na sagot nito. Kahit paano ay lumuwag ang pagkakangiti niya. Nawala nga lang agad dahil tumayo na ang kausap. “Sa’n ka?” “Uuwi na.” At humakbang na ito paalis after mag-iwan ng ilang piraso ng tag-isang libo sa lamesa. Naalarma siyang tumayo at sumunod. “Wait, sama ako!” Pero bago ang lahat ay dinikwat niya muna iyong isang libo. Itinago niya agad sa kanyang bra. “What?” Natigilan si Evo. “Puwede naman sigurong sumabay sa’yo kasi magkapitbahay naman ntayo?” Hindi niya alam kung anong pinagagawa niya. Sobrang maaga pa ang gabi para umuwi na siya. Siguradong mapapagalitan siya ni Manager A pero hindi pa siya kontento kasi na nakasama at nakausap si Evo. Gusto niyang samantalahin na maging close rin sila ni Evo tulad ni Cara. Wala lang, gusto lang niya. Eh, kung papatulan siya ni Evo, eh, ‘di wow na lang. Kung hindi naman, eh, di papalakpak na lang siya kasi sa wakas ay nakakilala na siya ng lalaki na matino sa asawa nito. “Hindi puwede,” ngunit ay pagtanggi ni Evo after siyang pasadahan ng tingin pataas-pababa at pababa-pataas. “Grabe ka naman. Hindi ka na naawa sa akin na walang pamasahe,” parinig niya. PInakawawa niya ang kanyang mukha. “Tss!” But Evo rolled his eyes. Alam na nagsisinungaling siya. Mas nilakihan pa ang mga hakbang para makalabas na sa bar at maiwanan siya. Hinabol niya pa rin ito hanggang parking lot ng bar. “Please? Isabay mo na ako sa pag-uwi? Bayad mo na lang sa pagsama ko sa asawa mo kanina?” Ayaw niyang gamitin ang bukal sa loob niyang pagtulong kay Cara kanina pero iyon na lang ang paraan para makasama niya pa kahit saglit ang kanyang crush. “Fine. Get in,” pagsuko na ni Evo bago ito pumasok sa sasakyan. She hid a smile of inconceivable joy. Kilig na kilig siya.……
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD