Part 7

1672 Words
***** RUCIA ***** “BAKIT parang inaantok ka? Hindi ka ba natulog kaninang umaga?” pilyang tanong ni Eyrna habang pinagmamasdan ang kinukulontoy na kaibigan. Dahilan para mapatingin din si Jella. Tulad ni Eyrna ay nagtataka na tinitigan siya. Tingin na nagsasabing hindi siya fresh sa gabing ito. Nginusuan ni Rucia ang dalawa at saka inirapan. Lahat na lang kasi ay napapansin sa kanya. Sanay naman na siya dahil sila ang dalawa niyang matalik na kaibigan. Nag-umpisa ang pagkakaibigan nila nina Jella at Eyrna noong bagong pasok pa lang sila rito sa Pegasus Men’s Bar. Noong araw na pare-parehas pa silang inosente, mga virgin, at napilitang lang na pasukin sa ganitong klaseng trabaho dahil sa hirap ng buhay. Siya ay dahil sa may sakit niyang ina. Kailangang maoperahan sa puso, pero ngayon ay wala na. Kahit anong pursige niya ay kinuha pa rin ng langit ang nanay niya. Tulad niya si Eyrna na family problem din ang dahilan kaya napadpad dito sa madilim na mundo. Si Jella lang ang ginusto na lang ang trabahong ito dahil wala raw itong pinag-aralan. Gusto ay madaliang pera. “Hindi ka na naman ba pinatulog ni derstan mo?” usisa rin ni Jella nang wala pa rin siyang imik. Panay ang side view nito sa vanity mirror para masiguro na pantay ang makakapal na make-up na inilalagay nito sa mukha. At ang DERSTAN na tinukoy ni Jella ay hindi pangalan ng tao o ibang wika na salita kundi tawag lang nila na magkakaibigan sa mga customers nila matatanda na. Derstan, kung babaliktarin ay tanders. Si Jella ang nakaisip niyon para safe raw sila kahit na may makarinig. Tatlo kasi sila na may derstan, mga sugar daddy nila. Subok na kasi nila na mas galante ang mga derstan na customer kaysa sa mga kaedaran nila. Madaling utuin ang matanda. “Ano pa bang aasahan mo? Syempre susulitin ng derstan na iyon ang ibinayad sa bahay na binigay sa kanya, tama ba?” tukso sa kanya ni Eyrna. Nagkibit-balikat na lang siya bilang sagot kahit na hindi iyon ang dahilan ng antok niya ngayon kundi dahil sa pagsama niya kay Cara buong maghapon. Hindi na niya kasi maiwan si Cara lalo na nang nakatulog pagdating nila sa bahay mula sa ospital. Hindi nila naratnan kanina si Nang Masing. Iyon pala ay bumisita sa kalapit na kamag-anak ang matanda sa pag-aakalang matatagalan sila ni Cara sa ospital. Tuloy ay hindi na niya nagawang makatulog nang matagal-tagal. Mabuti sana kung nakita niya si Evo ng mga sandaling iyon, kaso kahit anino ng crush niya ay walang dumating. Yeah, crush niya si Evo. Iyon talaga ang dahilan kung bakit kinakaibigan niya sina Cara at Nang Masing. Gusto niya ay nakakapunta siya sa bahay nila anytime na gusto niya para masulyapan man lang kahit saglit lang si Evo. Kung hindi naman, dahil busy lagi sa trabaho yata si Evo kaya hindi mapirmi sa bahay nila, ay makita man lang niya ang mga pictures nito sa sala. “Rereklamo ka pa ba kung gano’n kagalante ng derstan mo? Kung ako ‘yon? Kahit pagurin ako oras-oras ay payag ako. May bahay pa naman tapos malapit na ang kotse,” nakatawang wika rin ni Eyrna. “Baka napabilis na ang pagretiro ko sa trabahong ito.” Natigilan si Rucia. Tama ba ang kanyang narinig. “May balak kang magretiro na Eyrna?” Ngumiti ito. “Syempre hindi naman na tayo bumabata.” Nagkatinginan sila ni Jella sa sagot na iyon ng kanilang kaibigan. Naging mas madrama na ang paligid sa kanilang pakiramdam. “Iiwanan mo na kami, sheb?” malungkot na tanong ni Jella. Isa pa sa binaliktad na word ni Jella ang BESH, ginawa nitong SHEB. “Bakit kayo? Wala ba kayong balak na umalis sa lugar na ito?” subalit ay balik-tanong naman ni Eyrna. “Pero…” Hindi naituloy ni Rucia ang sasabihin dahil may tumawag na sa kanila. Oras na raw ng trabaho. “Tara, tara, nang makarami,” masayang wika ni Eyrna. Halatang winawala ang usapan sa nalalapit na paglisan nito sa bar. Nagpatiuna na ito ng labas sa dressing room kasabay ng iba pang girls na katrabaho nila. Tinapik na lamang ni Rucia ang balikat ni Jella bago sila sumunod. Alam niya na kung meron mang mas malulungkot sa napipinto na pa lang paglisan ni Eyrna sa bar ay si Jella iyon. Mas close kasi ang dalawa. Ang balak niya ay kausapin si Eyrna mamaya para liwanagin ang sinabi nito at para balaan na ang hirap ng buhay. Ang trabaho na ito na lang ang pinakamadali sa tulad nilang walang tinapos at may pasan-pasan na mga problema. Madumi man pero at least kumakayod at hindi mamamatay sa gutom. “Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina, sheb? ‘Wag ka ngang padalos-dalos ng plano,” inis na sita na nga niya kay Eyrna nang nakita niyang nabakante ito. Nilapitan niya ito sa pinaka-counter ng bar. Patay-malisya naman ang kaibigan. Iniabot sa kanya ang isang shot ng tequila kaysa ang sumagot. “Sobrang madami ka na bang naipon?” tanong niya. Inilapag niya muna ang matapang na beverage. “Kailangan bang sobrang dami ng pera para magbagong buhay, Rucia?” ngunit nakakatama sa puso na tanong naman ni Eyrna. Nasapo niya ang noo. Lahat ng kapilyahan nilang magkaibigan ay tila nagbakasyon muna dahil napakseryoso nilang dalawa ngayon na nag-uusap. Hindi tulad ng dati na puros kapilyahan ang alam ng bunganga nila na sabihin kaya tawa nang tawa sila kapag narito sila sa bar. Dahilan para hindi nila ramdam ang pagod ng trabaho nila. “Ang sa akin lang naman ay dapat sure ka muna sa balak mong pagretiro,” panlilinaw niya sa unang sinabi. Ginagap ni Eyrna ang kanyang kamay. “Napapagod na rin ako, Rucia, sa ganitong trabaho. Siguro ay magpapatayo na lang ako kahit konting sari-saring store or kahit ano na na maisipan ko na negosyo basta marangal.” Napatitig siya sa mukhang Koreana na mukha ng kaibigan. Naiintindihan niya ito dahil ang totoo kahit siya man ay nagsasawa na siya sa buhay mayron sila rito sa bar. Sasayaw, mag-aassist ng mga mayayamang customer, tatanggap ng malalaking tip, iisiping mag-ipon pero hindi naman nakakaipon. Nakakapagod na. Paulit-ulit na lang. Ang tanging pag-asa nila na may lalaking mag-aahon sa kanila sa lugar na ito ay imposible naman na mangyari. Sa mga libro lang yata iyon nangyayari, sa mga drama at movies. Dahil in reality, wala namang lalaki yata na totoong magmamahal pa sa kanila sa ganitong sitwasyon. Sino nga bang magkakagusto pa sa kanila kasi, eh, ang dudumi na nilang mga babae? “Eyrna, nandiyan na si Mr. Tan. Pinapapunta ka na niya sa VIP room.” Nalingunan nilang magkaibigan ang bading na manager nila. Si Mama A. Kanang kamay ito ng may-ari. “Iwanan na kita,” paalam ni Eyrna sa kanya. Pero isang lagok muna sa alak ito bago siya iniwan. Nagpatuloy sa pagmumuni-muni si Rucia nang mapag-isa siya. Napapabuntong-hininga siya. Hindi na siya iniwanan na naman ng kanyang katanungan kung meron pa kayang lalaki na magmamahal sa kanya --- kanila na mga babaeng naririto sa bar. Iyong hindi katulad ng derstan niya ngayon na katawan lang niya ang habol sa kanya kaya binigyan siya ng malaking bahay. Iyong walang asawa. Iyong masasabi niyang nakatadhana rin sa kanya na lalaki. Iyong tatanggapin siya ng buong-buo sa kabila ng trabaho niyang ito. “Asa ka pa, Rucia Manrique. Sa panahon ngayon ay walang magpapakatanga na sa babaeng pokpok. Gamitin mo na lang ang ganda mo sa mga tanders. Posibleng yayaman ka pa,” narinig niyang kontra sa kanya ng sarili niya. Pinisil niya ang magkabilang pisngi niya tapos ay tinapik-tapik para magbalik siya sa kasalukuyan. Tama, tama ang sinabi ng isip niya. Huwag na siyang magpantasya at baka matulad siya kay Eyrna na kung anu-ano ang binabalak sa buhay. Bahala siya. Matagal na nabakante siya sa kinauupuan. Simula nalaman ng lahat na binabahay na siya ng kanyang derstan ay tumumal konti ang kanyang customer. Natakot na ang iba dahil sobrang yaman nga naman kasi ng derstan niyang si Santiago. Kaya silang ipapatay kung gugustuhin ng matandang iyon. Ang mga hindi nakakaalam na babae na siya ni Santiago ang nagte-table lang sa kanya, in short ang mga bagong customer lang. Sa totoo lang ayos na kahit hindi na siya pumasok dahil sobra-sobra ang allowance na binibigay sa kanya ni Santiago. Siya lang ang nanghihinayang dahil sanay na siya na nagbabanat ng buto. Sayang pa rin ang kita. Tinungga na niya ang isang shot ng tequila na binigay ni Eyrna sa kanya. Napangiwi siya konti. “Rucia, absent daw si Marie. Ikaw muna ang magsayaw. Wala ka namang ginagawa,” mayamaya ay agaw-pansin sa kanya ni Mother A. “Shoot,” pagpayag niya agad. Ang pagsasayaw talaga ang unang dahilan kung bakit pinasok niya ang trabahong ito. Noong una ay dancer lang talaga siya, pero dahil sa sulsol ng ibang entertainer ay napasubo na rin siya sa mas masamang gawain dito sa bar. Tumayo na siya at inihanda ang kanyang sarili. Nagsuot siya ng mas daring na two-piece bikini, pinatungan niya ng red fur coat na mahaba na kanya rin namang tatanggalin mamaya. At nang nasa entablado na siya ay nawala na lahat ng laman ng isip niya. Ginalingan niya ang nakakaakit na mga moves niya. Kapag nasa entablado talaga siya ay feeling niya malaya siya sa buhay, tila ay nagagawa niya lahat ang gusto niya. Sobrang saya niya kapag nagsasayaw siya. May panay ang sipol. May napatayo hawak ang isang bote ng alak. May matamang nakatitig lang sa kanya na animo’y hinuhubaran siya nang tuluyan. At may nakikita rin siyang tumawag kay Mother A para siguro sabihin na i-table siya after ng pagsasayaw niya. Natuwa naman siya dahil ibig sabihin niyon ay effective ang kagalingan niya sa pagsasayaw. Mas ginalingan niya pa. Giling kung giling, iyong parang wala na siyang buto. Fierce kung fierce, iyong parang lahat ng lalaki ay inaakit niya sa kama. Ang hindi niya inasahan ay nang nahagip ng tingin niya ang guwapong lalaki sa isang kumpulan ng mga kakalakihan doon sa mahabang table. Si Evo!………
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD