***** RUCIA ***** “NANG, nasaan po si Cara?” Humahangos na dumating si Rucia sa bahay na bagong tinitirhan nina Evo at Cara. Umiiyak si Nang Masing na sumalubong sa kanya. “Naroon sa taas.” Hinawakan ni Rucia ang kamay ng matanda at doon niya naramdaman ang labis na panginginig nito. Grabe rin ang lamig ng mga palad. Na kung hahayaang himatayin ay baka kanina pa ito natumba. Mas nag-aalala na siya para rito kaysa kay Cara. “Nang, kumalma ka lang po,” payo niya rito. “Naku, Rucia, hindi ko alam kasi kung nakatulog lang ba si Cara dahil sa sakit niya o nawalan siya ng malay pagkatapos niyang makita ang mga larawan.” “Tara po sa kanya,” kinabahan niyang sabi. Sa study room ay sinuri niya si Cara. “Ano sa tingin mo?” napapatapik sa bunganga na tanong ni Nang Masing gawa ng matinding