Chapter 12

1833 Words
Kumibo't dili si Rosario mula sa fastfood hanggang sa makauwi sila. Hindi nito pinahalata sa mga magulang ang kanyang pagseselos. Hanggang kinabukasan ay sumisiksik sa isipan ni Rosario ang nakita niyang paghalik ni Devon kay Sally. Ilang beses ng nagtetext si Devon ay hindi niya ito sinasagot. Kinahapunan ay nagpaalam si Devon sa kanyang ina na magpupunta siya kina Rosario. Ipinagtataka niya ng labis kung bakit hindi ito sumasagot sa mga text at tawag niya. Ganu'ng oras kung mag-asikaso ng hardin ang mag-asawang Fidel at Lucila. Namataan siya agad ng mga ito nang siya ay nasa harapan na ng gate ng bahay. "Oh Devon, congrats ulit ah. Tara, pasok ka." wika ni Aling Lucila. "Salamat po. S-si Rosario po?" tugon ni Devon. "Ah nasa itaas,sa kwarto niya. Tara pasok ka. Sabayan mong mag-kape si Fidel." sabay bukas na ng gate ni Aling Lucila. Habang naghihintay si Devon sa veranda kaharap si Mang Fidel, inakyat naman ni Aling Lucila ang anak. Nagdahilan si Rosario na masama ang kanyang pakiramdam at hindi siya makakababa ng bahay. Upang hindi mahalata na si Rosario lamang ang sadya niya, patuloy pa ding nakipagkwentuhan si Devon sa mag-asawa. Matapos mag-kape, ilang sandali lang ay nagpaalam na din si Devon. "Oh ang bilis mo namang nakauwi? Bakit ganyan ang mukha mo?" ani Aling Salome kay Devon. Napuna niyang lulugo-lugo ito at tahimik. "Eh masama daw pakiramdam ni Rosario 'nay. Kaya umuwi na lang din ako." tugon ni Devon. "Masama pala pakiramdam eh bakit nagpunta ka pa du'n? Hindi mo na lang tinext." si Aling Salome. "Yun nga 'nay eh. Hindi nga nagrereply sa 'kin. Kaya naisipan ko na ding puntahan."  ani Devon. "Wag mo munang abalahin at baka napagod kagabi. Sige na, magluluto na 'ko't pauwi na ang tatay mo niyan." Kinagabihan ay sinubukang muli ni Devon na itext o tawagan si Rosario pero hindi pa din ito sumagot. Panay ang sulyap niya sa bintana sa pag-asang dalawin siya nito o surpresahin. Naging palaisipan sa kanya ang bigla nitong hindi pagpansin sa kanya. Hanggang sa naisipan na niyang humiga. Habang nagmumuni-muni siya ay natanawan niyang may isang paniki na nakabitin sa kanyang bintana. Mabilis siyang bumangon at nilapitan ito. Hindi naman ito umalis at nanatiling nakabitin doon. "Paniki, kilala mo ba si Rosario? Baka naman pwedeng makisuyo? Pakisabi naman nami-miss ko na siya." aniya sa paniki. "Ik ik ik ik." tugon ng paniki. Nakakatiyak si Devon na naiintindihan siya ng paniki. "Hindi kita naiintidihan pero please naman oh." muling saad niya. Umalis agad ang paniki. Lingid sa kanya, inutusan talaga ito ni Rosario na papuntahin sa kanya. "Ano'ng namimiss? Bakit niya hinalikan si Sally? Chi dang bobochichang chini kong koy nong. ik ik ik." sagot ni Rosario sa paniki nang puntahan siya nito. Muling bumalik ang paniki kay Devon. Sa pagkakataong 'yun ay may kasama pa itong isang paniki. "Oh anong sabi ni Rosario?" agap na tanong ni  Devon pagkakita dito. "Ik ik ik ik." sabi ng paniki. "Naku, hindi ko nga pala maiintindihan 'to. Paano kaya?" sabi ni Devon sa sarili. Nang muli niyang tanawin ang dalawang paniki ay nakita niyang humiga ang isang paniki sa pasimano ng bintana niya. Ang isa naman ay humarap dito at panay ang halik sa paniking nakahiga. "Uy dito pa yata kayo mag-aano, 'wag dito huy."  sabi ni Devon sa mga ito. Muli namang umayos ang mga paniki sa paglipad. Gumawa ng ingay ito upang pukawin ang atensyon ni Devon. Nang tingnan ulit ni Devon ay muling inulit ng mga paniki ang paghahalikan. Nag-isip mabuti si Devon sa nais ipahiwatig sa kanya ng mga paniki.  Nang tingnan niya muli ang dalawang paniki, ang isa ay nagpilay-pilayan na tumuntong sa pasimano ng bintana. Sinusundan naman ng isang paniki ang nagpilay-pilayan, pero hindi to pinapansin. Nangiti bigla si Devon at nahulaan na niya ang ibig sabihin ng mga paniki sa kanya. "Alam ko na mga paniki, salamat ha. Pakisabi kay Rosario, hindi ko naman sinasadya 'yun. Si Sally ang hindi sumunod sa sinabi ng direktor. 'Wag na kamu siya magalit. Sorry na kamo please." nakikiusap si Devon sa mga paniki. Nag-appear pa ng mga pakpak ang mga paniki bago ito muling lumisan at muling tumungo kay Rosario. "Ganu'n ba? Malandi pala talaga 'yang Sally na 'yan eh.  Oh sige, salamat sa inyo ha. Ik ik ik ik." sambit ni Rosario sa mga paniki at nagpaalam na din ito. Muling naghintay si Devon sa mga paniki pero hindi na bumalik ang mga ito. Tinanaw din niya ang cellphone niya pero wala pa ding tawag o mensahe buhat kay Rosario. Bahagya siyang nangawit kadudungaw kaya't tumalikod siya sa bintana upang pansamantalang iupo ang puwitan niya doon. Kasasandig pa lang ng kanyang puwit ay may biglang humatak sa magkabiling kili-kili niya. Ikinawit ang mga kamay nito hanggang sa kanyang balikat at mabilis siyang iniangat. Namalayan na lang niya inililipad siya nito. Nawala agad ang pagkabigla niya nang lingunin niya ang nagmamay-ari ng mga brasong 'yun. "Ang bilis mo namang magtampo. Pinahirapan pa ko ng mga paniki kung paano ko iintindihin 'yung mga sinasabi mo sa kanila." wika ni Devon. "Eh kasi naman, wala naman kasi sa eksena 'yun ginawa n'yo pa." tugon ni Rosario na patuloy ang paglipad pataas. "Rosario, nalulula ako. B-baka mabitawan mo 'ko. P-pwede bang diyan ako sa likod mo? Nalululula ako promise." sabi ni Devon. "Pwede naman. Wait." pagkasabi ni Rosario nu'n ay binitiwan niya si Devon. Inisip ni Devon na malalaglag siya, napasigaw siya dahil sa pagkakabitiw sa kanya ni Rosario. Mabilis naman ang ginawang paglipad ni Rosario at sinaktuhan niyang sa likod niya babagsak si Devon. "Kapit." sigaw ni Rosario nang lumapat ang katawan ni Devon sa likod niya. "Mamamatay pala ko sa nerbiyos. Akala ko hindi mo na 'ko sasapuhin." sambit ni Devon. Damang-dama ni Rosario ang pagkabog ng dibdib nito sa kanyang likod. "Gagawin ko ba naman sa 'yo yun? If you jump, i jump." ani Rosario. "Ayan na naman tayo sa titanic eh. Galit ka pa ba?" si Devon nang komportable na sa likod ni Rosario. "Naisip ko nga, bakit naman ako kailangang magalit? Wala naman nga pala 'kong karapatang magalit." ani Rosario. "N-nagseselos ka ba?" naaalangang itanong ni Devon. "E-ewan ko. B-bakit naman ako magseselos? May karapatan din ba 'kong magselos?" tugon ni Rosario. "Hmm. sagutin mo na kasi 'ko para may karapatan kang magselos?" bulong ni Devon kay Rosario habang patuloy sila sa paglipad. "Huh? Sasagutin? Nanligaw ka na ba?" malakas na sagot ni Rosario. "Oo, ngayon. Saka wala talaga 'kong gusto dun sa Sally na 'yun. Ikaw naman talaga gusto ko eh. Kaya sagutin mo na 'ko. Sige ka, kapag hindi mo 'ko sinagot, ipagsasabi kong manananggal ka. Saka may lahi ka ding engkanto kasi pa-fall ka lang." biro ni Devon. "Ano 'to blackmail? Oh sige na nga." sagot ni Rosario pero sa loob niya sy kilig na kilig siya. "Anong sige na nga? Sinasagot mo na 'ko?" may pananabik na tanong ni Devon. "Oo nga. May magagawa pa ba 'ko? May pang-blackmail ka na sa 'kin eh." tugon ni Rosario. "Ay ayoko naman ng ganu'n. Parang napilitan ka lang. Saka biro lang naman 'yung sinabi ko na 'yun." kunwari ay nagtampo si Devon. "Oo sige. Sinasagot na kita. Boyfriend na kita." malumanay na muling sagot ni Rosario. "Totoo na 'yan ha?" muling sumigla ang boses ni Devon. "Oo. Yes." bahagyang lumingon si Rosario upang ipakitang nakangiti siya. "Yahoo. Sinagot na niya 'ko." sigaw ni Devon sabay taas ng dalawang kamay. Dahil sa pagkakataas ng kamay niya ay nabitiw siya kay Rosario. Nahulog siyang muli. Nakaramdam ng kaba si Rosario dahil hindi siya nakahanda nang mga oras na 'yun. "Aaaaaaahhhh." mahabang sigaw ni Devon habang patuloy siyang nahuhulog. Binilisan pa ni Rosario ang paglipad upang mahabol ang pagbagsak ni Devon. Ibinuka niya ng maigi ang kanyang mga pakpak. Pabulusok ang ginawa niya upang mapabilis siya.  Singtaas na lang ng isang puno ng maabutan niya si Devon. Sinapo niya iyon na sapong bagong kasal. Ang kaibahan nga lang ay ang lalaki ang sapo at ang babae ang may sapo. "Alam ko namang hindi mo 'ko pababayaan eh. Kaya hindi ako masyadong kinabahan." nakangiting sambit ni Devon habang nakatingin sa mukha ni Rosario. "Anong hindi? Super sigaw ka nga eh. Ako ang kinabahan, akala ko hindi na kita aabutan."  saad ni Rosario na muling pumailanlang sa itaas. Hindi nakatiis si Devon at nagnakaw siya ng halik kay Rosario habang hindi ito nakatingin. "Ilalaglag kita sige, ulitin mo pa." wika ni Rosario. "Totoo?" nakangiti pa din si Devon. Muli niyang iniangat ang ulo at humalik sa pisngi ni Rosario. "Isa pa, totoong-totoo na talaga. Ilalaglag talaga kita." sabi ulit ni Rosario pero pigil ang kanyang pagngiti. "Talaga?" muling umangat si Devon at kinabig pa ang dalawang pisngi ni Rosario. Sa pagkakataong 'yun ay sa labi na ang puntirya ni Devon. Dahan-dahan ang ginawang paglapit ni Devon hanggang sa maglapat ang kanilang labi. Pagkalapat ng kanilang labi ay biglang ibinagsak ni Rosario si Devon. "Aaaaaah." sigaw ni Devon. Subalit saglit lang ang naging kanyang paghiyaw dahil nang tingnan niya ang kanyang binagsakan ay ang kanya ng kutson. Naroon na pala sila sa kanyang kwarto. "Oh nakarami ka na ha. Sige uuwi na 'ko." nakangiting sambit ni Rosario habang nasa bintana. "Hindi ka na galit ha."  ani Devon na umayos ng pagkakaupo at itinukod ang mga braso sa pasimano ng bintana. "Hindi na nga." tugon ni Rosario. "Tayo na ha." si Devon. "Oo nga. Ulit-ulit eh. Iiiih." si Rosario. "Sige, kiss muna bago ka umalis." ngumuso nguso pa si Devon pagkasabi nu'n. "Sinuswerte ka na ha. Tama na 'yun." ani Rosario. "Sige na naman please. Last na." pilit ni Devon. Natanawan ni Rosario na may paniki na gumagala. "Okay sige last na ha. Pikit ka muna." sab ni Rosario. Pumikit naman agad si Devon at muli itong ngumuso. Sinenyasan naman agad ni Rosario ang paniki at sinenyas din dito ang gagawin. "Tagal naman." nakangiting sambit ni Devon. "Eto na. 'Wag ka muna didilat ha." tugon ni Rosario. Sumenyas siya sa paniki na aalis na siya. Pagkaalis ni Rosario ay lumapit ang paniki sa mukha ni Devon. At idinikit nito ang bibig sa naghihintay na nguso ni Devon. Napadilat agad si Devon nang maramdaman ang kakaibang dumikit sa kanyang nguso. "Hmp... pwe. Ikaw ha, nakikisama ka sa kalokohan ng kaibigan mo. Nasa'n na si Rosario?" kung kausapin ni Devon ang paniki ay akala mong sasagot ito sa kanya. "Sabihin mo sa kanya hindi ko na siya mahal." dugtong agad niya sa paniki. Nakita niyang biglang paalis ang paniki. Sa pag-aalalang magsumbong ito ay muli niya itong tinawag. "Huy paniki, balik ka. Joke lang 'yun. Sabihin mo na lang na i love you. Okay?" turan ni Devon sa paniki. Masigla namang nagkakawag ang paniki na tila natutuwa sa sinabi ni Devon. Pero hindi pa din ito umaalis, napakunot ang noo ni Devon dahil sa pagtataka. "Sige na paniki, matutulog na 'ko. Good night na. Sabihin mo kay Rosario 'yung pinapasabi ko ha." sambit niyang muli. Subalit nanatili pa din ang paniki sa harap niya. Nagulat siya nang lumapit pa ito sa mukha niya at nang aninagin niyang mabuti ito ay natanawan niyang nakanguso din ang paniki na tila gusto ding humalik sa kanya. "Ay naku, bawal 'yan. Nakaisa ka na nga eh. Sige ka, isusumbong kita kay Rosario. Lagot ka du'n." turan ni Devon sa paniki. "Ik ik ik ik ik ik."  nagkakawag ang paniki na tila natakot at mabilis na itong lumabas ng bintana ni Devon. Nangiti na lang si Devon sa ikinilos ng paniki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD