Chapter 10

1820 Words
Gabi na ng matapos ang pag-eensayo nina Devon. Paglabas nila ng auditorium ay halos wala na ding tao sa loob ng eskwelahan. Mangilan-ngilan na lang at pawang mga pauwi na din. "Devon, sandali." sigaw ni Sally. Sabay na huminto at napalingon si Devon at Rosario sa pinanggalingan ng boses. "Bakit Sally?" tanong agad ni Devon habang papalapit ito. "Okay na sana 'yung praktis natin eh. Nagsama ka pa ng pakialamera. Sige. Good luck na lang sa 'tin." tugon nito at sumulyap ng matalim kay Rosario. Paalis na ito nang sinadya nitong sinipa ang saklay ni Rosario. Nawalan ng panimbang si Rosario at bumagsak itong paupo sa sahig. "Ay sorry, hindi ko sinasadya. Karma siguro 'yan." turan ni Sally at umirap pa ito nang ituloy ang paglalakad. Napasunod lang ng tingin si Devon kay Sally. Nakita niyang sinadya iyon nito pero wala na siyang magagawa. Inalalayan naman niya agad si Rosario para makatayo. "N-nasaktan ka ba?" agap na tanong ni Devon. Imbes na sumagot si Rosario ay bigla itong nag-usal. "Ik ik ik, butchi kik ik ik ik butchi kik." "R-rosario? Ano 'yung sinasabi mo?" kunot-noong tanong ni Devon habang itinatayo ito. "Baka akala ng Sally na 'yan eh para 'kong cinderella na pwedeng apihin." may ngitngit sa tono ni Rosario. Ilang sandali pa'y dalawang paniki ang nasa harapan ni Rosario. Muli itong nag-usal kaharap ang dalawang paniki. Pagkatapos nu'n ay mabilis din namang umalis ang mga ito. "Rosario, baka mapahamak tayo. Ano 'yung ginawa mo?" nag-aalalang tanong ni Devon. "Naghahanap lang ng kalaro 'yung dalawang 'yun." tugon ni Rosario na ang tinutukoy ay ang mga paniking tinawag nito. Hindi pa sila nakakalabas ng gate nang maabutan nila si Sally na pagpag ng pagpag sa damit nito. Panay ang sigaw nito at tila may kinatatakutan. "Sally ano nangyayari sa 'yo?" tanong agad ni Devon. "Devon, tulungan mo 'ko. May dalawang paniking pumasok sa loob ng damit ko. Ayaw umalis. Eeehh. Nakakadiri. Tulungan mo 'ko." panay pa din ang tili ni Sally habang lundag ng lundag sa kinatatayuan nito. "P-paano kita tutulungan?" nataranta namang bigla si Devon. "Dukutin mo. Ayy. Ano ba 'to? Eeeeh. Alis..alis kayo diyan." patuloy ni Sally. Tumawa ng malakas si Rosario pagkakita sa kinikilos ni Sally. "Ang bilis naman ng karma. Sino kaya nakarma sa 'tin ngayon?" "Devoooon. Tulungan mo 'ko. Daliii." hindi na maipinta ang mukha ni Sally. Kpaagdaka'y lumusot ang dalawang paniki sa damit nito bitbit ang bra ni Sally. "Oh ayun lumabas na." saad ni Devon. "Nanghiram lang pala ng facemask. Baka may corona virus dito. Tara na Devon." nagpawala pa ng malakas na tawa si Rosario bago nila iwan si Sally na hindi malaman kung paano itatago ang mga dibdib nitong bumakat pagkatanggal ng bra ng mga paniki. Pagkasakay ng tricycle ay saka lamang naglakas-loob si Devon tanungin si Rosario. "Ikaw ba may gawa nu'n?" "May iba pa ba? Bakit ganyan ka makatingin? Devon, mabait naman ako. Kita mo naman ang ginawa sa 'kin nu'n. May gusto sa 'yo 'yun noh? Masyadong pinahalata pagseselos niya eh." tugon ni Rosario. "Inaalala ko lang kasi baka maghinala sa 'yo si Sally." saad ni Devon. "Devon 'wag ka ngang praning. Ikaw lang naman nakakaalam na ganito 'ko, pati kapangyarihan ko, paano naman niya malalaman?" mahinang sabi ni Rosario. Bahagya pa siyang sumilip sa driver ng tricycle. "Hindi na uso pa-martir ngayon Devon, buti nga 'yun lang ginawa ko sa kanya eh." dugtong pa niya. Hindi na sumagot si Devon hanggang sa makarating sila ng San Roque. "Devon, du'n na lang tayo bumaba sa tapat n'yo." sambit ni Rosario nang mamataan niyang malapit na sila dito. "Okay sige." tugon ni Devon. "Kuya diyan lang po sa may mga bakod na kawayan." baling naman niya sa driver ng tricycle. Dahil sa ugong ng makina ng tricycle, napasilip si Aling Salome sa kanyang bintana. Dapat ay tulog na siya ng mga oras na 'yun pero dahil sa paghihintay sa anak ay hinintay pa din niya ito kahit nakahiga na siya. Ikinabigla niya ang pagkakita sa anak habang inaalalayang bumaba ng tricycle si Rosario. Sa una ay hindi niya ito nakilala dahil sa madilim na sa kalsada, pero nang natanglawan ng tricycle ang tangan nitong saklay nang nakababa na kto, nakasiguro siyang anak ni Fidel ang kasama ng kanyang anak. Nagtataka man siya ay inisip na lang niyang tanungin ang anak pagpasok nito ng bahay. Nakita pa niya nang lumakad ang mga ito, na nahulaan agad niyang ihahatid pa ng kanyang anak ang kasama nitong babae. Isa pang ipinagtaka niya ay kung bakit hindi pa ibinaba si Rosario sa mismong tapat ng bahay nito gayong may kapansanan pa ito. "Bakit nga pala hindi pa tayo du'n dumiretso sa inyo?" tanong ni Devan habang sila'y naglalakad. "Maaga pa kasi, gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa 'yo. Pero kung inaantok ka na, sige hatid mo na lang ako." tugon ni Rosario. Maagap naman ang sagot ni Devon. "Hindi ah. Ikaw nga inaalala ko eh. Saka baka hinahanap ka na din sa inyo." aniya. "Hindi 'yan. Saka malaki tiwala sa 'yo nu'ng mga 'yun. Saka alam naman nila na gagabihin tayo. May susi naman ako ng gate saka ng bahay." si Rosario. "Hmm, ano ba gusto mong pagkwentuhan?" si Devon. "Ikaw bahala. Kahit ano. 'Wag lang 'yung Sally na 'yun, masisira lang ang gabi ko." Napatawa si Devon pagkarinig nu'n. "Nakaganti ka naman eh. Hayaan mo na 'yun. Nga pala, hindi mo naman sinagot 'yung tanong ko nu'ng nakaraang gabi." Bagama't alam ni Rosario ang tinutukoy ni Devon, nagkunwari siyang nalimutan niya 'yun. "Huh? A-ano ba 'yung tinanong mo?" "K-kung pwedeng magkatuluyan o maging mag-asawa ang isang normal na tao at isang manananggal?" hindi man nakatingin si Rosario pero naramdaman niya ang pagsulyap sa kanya ni Devon. "Teka bubuksan ko lang 'yung gate, sa loob na tayo magkwentuhan." wika ni Rosario. "Akina 'yung susi ako na." agap naman ni Devon. Naupo sila sa mga upuang gawa sa kawayan sa may hardin. May mapanglaw din na ilaw duon na nagbibigay liwanag mula sa gate hanggang sa bakuran sa harapan ng bahay nila Rosario. "May mga pangyayari ng ganyan na kinukwento sa 'kin ng mga magulang ko, kahit ang lolo ko, nakiwento na din sa akin. Nagkakaibigan ang isang tao at isang manananggal, pero hindi ito humahantong sa pag-aasawa. Kasi nga, inaayawan ng mga magulang ng mga tao ang isang gaya ko. Ang ending, nalalalaman tuloy ng mga tao na may totoong manananggal. So babalik na naman ang kwento ko sa simula, na pangit nga ang pagkakakilala sa amin ng mga tao. Kaya sabi ng lolo ko, simula nuon, ipinagbawal na ang makipag-bf o gf ang isang gaya ko sa isang normal na tao." salaysay ni Rosario. "G-ganu'n ba? Eh k-kung halimbawa pinayagan naman ng magulang? A-ano mangyayari? Ano magiging anak nila?  Naikwento din ba sa 'yo 'yun?" pautal-utal na tanong ni Devon. "Hindi. Kasi nga, wala namang nangyaring ganu'n." napalabi pa si Rosario. "Sayang naman pala." saad ni Devon. Napalingon bigla si Rosario sa katabi. "Anong sayang du'n? "Huh? Ah s-sayang, kasi... kasi wala palang kwentong ganu'n. Sabagay kahit ako, takot na takot ako dati sa manananggal. Sa kwento pa lang kinikilabutan na ko, tapos kapag napapanuod ko pa sa tv lalo na, napapanaginipan ko pa minsan. Pero nu'ng nakilala kita nagbago lahat 'yun." Namula si Rosario sa binigkas ni Devon pero hindi 'yun napuna ng binata. "Teka, may naalala nga pala 'ko." biglang bigkas ni Rosario. Hindi pa naitatanong ni Devon kung ano 'yun ay biglang tumawag ng isang paniki si Rosario. "Pong chuwala chi chi ri kong koyla butsekik ik ik ik bo bo chi chang chi chi kong tong nang" sabi ni Rosario sa paniki. "Ik ik ik ik ik ik ik ik." sagot naman ng paniki at lumisan na ito. "Nagugulat naman ako sa mga bigla mong naiisip. Ano naman ang sinabi mo du'n?" si Devon. "Sabi ko, hanapin nila si Manang Gala, itanong 'kako kung ano mangyayari kung magtuluyan ang isang tao at isang manananggal?" si Rosario. "Oh, sino naman si Manang Gala?" nagtatakang tanong ni Devon. "Si Manang Gala ay ang pinakatamatandang manananggal na nabubuhay sa Pilipinas. Nasa two hundred na siyang mahigit. Hindi siya maaaring magpirmi sa isang lugar dahil paghihinalaan siya sa kanyang edad. Kaya mas ginusto niyang manirahan malayo sa mga tao, minsan sa bundok, sa gubat o kaya sa kweba." tugon ni Rosario. "Ah kaya Manang Gala, gala kasi ng gala. Para palang si Dora 'yun noh." pabirong saad ni Devon. Bahagya namang tumawa si Rosario. "Eh paano naman halimbawa, ligawan ka ng isang tao, tatanggapin mo bang ligawan ka niya?" patuloy ni Devon. "Teka ibahin ko kaya 'yung tanong. Laging ikaw eh." sinabayan pa ng irap ni Rosario pagkasabi nu'n. "Ano 'yun?" si Devon. "Posible bang magmahal ka ng isang manananggal?" kinakabahan man ay binilisan ni Rosario ang pagkakatanong niyang 'yun. "Basta ikaw ang mamahalin, posibleng-posible." walang gatol na sagot ni Devon sabay lingon nito sa kanya. Sumobra ang nararamdamang kilig ni Rosario kaya't upang hindi ito mapansin ni Devon ay mabilis naghiwalay ang katawan niya at pumailanlang agad siya sa itaas. "Uy." tanging nasabi ni Devon habang sinundan ng tingin si Rosario sa itaas. Nakita niyang nagpa-ikot ikot lang si Rosario sa ere na hanggang bubong ang taas. Dahil sa ngawit ng pagkakatingala, naaalalang tingnan ni Devon ang kalahating katawang naiwan ni Rosario. Gaya ng sinabi nito, sarado ng balat ang pinaghatian nito. Napakunot lang ang noo niya nang makita niyang namimilipit ang dalawang binti nito at gumegewang-gewang ang puwitan nito. Muli siyang tumingala upang tingnan si Rosario pero pabalik na ito, nang magdikit ang tig-kalahating katawan nito ay kasabay na nawala ang mga pakpak nito. "Bakit ba bigla kang nang-iiwan?" sabi agad ni Devon. "Nahahatsing kasi 'ko. Kaya duon na ko sa taas humatsing." pagsisinungaling ni Rosario nang lumipas na ang pagkilig niya. "Nakakatakot ka palang mahalin, bigla ka na lang nang-iiwan." pabirong turan ni Devon. "Hindi naman ako totally nawawala. Lagi ko namang iniiwan 'yung kalahati ko. Ikaw Devon ha, masyado kang palabiro. Pati ako eh pinasasakay mo d'yan sa mga biro mo." naniningkit pa din ang mata ni Rosario sa pagpigil ng kilig niya. "Anong biro? Totoo naman 'yung sinabi ko eh. Kaya nga nagtatanong ako kung may history na tungkol sa isang tao at isang kagaya mo?" si Devon na hindi na inalis ang pagkakatingin kay Rosario. "Hoy Devon, baka akala mo easy to get ako ha. Porke ba't pinapanuod kita eh iniisip mo patay na patay ako sa 'yo? Baka nagte-take advantage ka lang ha." iniangat pa ni Rosario ang baba niya. "Kapag ganyan ka, sige iiwasan na lang kita." "Napaka-advance naman ng isip mo Rosario. Ngayon pang nagkakakilala na tayo ng husto saka mo naman ako iiwasan. 'Wag ka namang ganyan. Iniisip ko nga baka may lahi ka ding engkanto eh." may pagsusumamo sa tono ni Devon. "Oh bakit naman?" biglang baling ni Rosario sa katabi. "Eh sobrang ganda mo kasi eh. Baka isa ka din sa mga pa-fall at paasa." tugon ni Devon. Muli na namang humiwalay si Rosario sa kalahati niyang katawan sa sobrang kilig. Nagpasirko-sirko pa ito sa ere habang lumilipad. Dahil hindi pa sanay si Devon, muli niyang ikinagulat ang ginawa ni Rosario. Nang tingnan niyang muli ang iniwang katawan nito ay mas malakas ang uga nuon, pati ang pagkakapalipit ng mga binti nito ay mas nadagdagan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD