"Galingan mo bukas ha. Good luck." mensaheng natanggap ni Devon mula kay Rosario habang ginagawa nila ang huling pag-eensayo. Masakit man sa kalooban ni Rosario, alam niyang ikakagaan ng kalooban at ikakasigla ni Devon ang mensaheng iyon. Naging mas ganado naman si Devon sa kanyang pag-arte. Hindi na din nito alintana ang ginagawang paglipad habang may nakakabit na harness. "Alam mo napuna ko lang sa 'yo Devon, sa simula't simula nu'ng nag-harness tayo, hindi ka namin nakitaan ng pagkalula. Parang sanay na sanay ka sa paglipad." saad ni Sally habang nakapahinga sila sa pag-eensayo. "Tama palang ikaw talaga ang kinuhang bida Devon, ikaw kasi pinakamaraming eksena na lumilipad." wika ng isa niyang kasama sa dula na gumaganap na si John na kapatid ni Wendy na ginagamapanan naman ni Sally.