When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Kinikilabutan man si Sally sa mga pangyayari, pansamantala niyang iwinaksi sa isipan ang mga kaganapan at itinuon ang atensyon niya sa kaunting eksena pang natitira ng kanilang dula na halos patapos na. Muling napuno ng malakas na palakpakan ng mga tao ang buong auditorium nang matapos ang palabas. Isa-isang pinakilala ang mga nagsiganap at ang mga tauhan sa likod ng entablado. At sa huli ay ipinakilala ang direktor ng dula. Nakangiti man si Sally, hindi nawala sa kanyang isipan ang muntikan na nilang pagkaaksidente ni Devon at ang itsura ni Rosario nang iligtas sila nito. Namataan din niyang panay ang tingin sa kanya ni Devon na tila may nais itong sabihin sa kanya. "Dyusku anak, pinakaba n'yo lahat ng tao, kasama ba talaga sa eksena 'yun?" nakangiting bungad ni Aling Salome ng salubung