Chapter 32

2014 Words

"Dyusku, sabihin mong nananaginip lang ako Devon." nanginginig na turan ni Aling Salome nang ibalik ang pansin nito sa naghiwalay na katawan ni Rosario. "Nay, totoo po. Gusto mo suntukin naman kita?" tugon ni Devon. "Kanina ka pa Devon ha." ani Aling Salome na pilit ikinukubli ang mukha sa katawan ng anak. "Nay tingnan mo kasing mabuti. Si Rosario pa din 'yan." saad ni Devon. "Rosario lumapit ka." "Naku naku, 'w-wag w-wag kang lalapit." sambit ni Aling Salome. "Aling Salome, huwag po kayong matakot. Hindi naman po ako nananakit. Saka hindi po ako kampon ng demonyo." giit ni Rosario. Naisipan nitong muling ibalik ang sarili sa pagkakadikit ng katawang pinaghiwalay niya at muling umayos sa pagkakaupo. Bahagya namang nabawasan ang takot ni Aling Salome. Si Devon na ang kusang umalis sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD