"H-wag kang magbiro ng ganyan Rosario, hindi magandang biro 'yan." saad ni Aling Lucila habang nakatitig ito sa anak. Sinusukat nito kung nagsasabi ito ng totoo. "Rosario, bawiin mo 'yung sinabi mo, hindi lahat ng bagay eh pwede mong idaan sa kalokohan. Lalo na 'yung sikreto ng angkan natin." turan naman ni Mang Fidel. "Totoo nga Daddy, Mommy. Nuon pa, maniwala naman kayo sa 'kin. Bagong lipat pa lang tayo nu'n." seryosong tugon ni Rosario. "Paanong nuon pa eh ilang buwan pa lang kayo magkakilala ni Devon. Hindi pa nga kayo nagpapansinan nuon." Pilit pa ding pkinukumbinsi ni Aling Lucila ang sarili na hindi totoo ang sinasabi ng anak. "Mommy, hindi sinasadya ang unang pagkakakilala namin ni Devon. Naiinip ako nu'n kaya naisipan kong lumabas. Hindi ko naman alam na makikita niya 'ko. N