"B-bakit po?" bungad ni Rosario paglabas nila ni Jansen ng veranda. "Tara dito anak." si Aling Lucila. "Sa susunod na linggo eh isasama ka ni Jansen sa Engkantuta para naman makilala ka na ng mga kasama ni Pareng Salem sa mga kapwa niya ministro doon." Namilog ang mga mata ni Jansen sa narinig. " Napakaganda ng Engkantuta Rosario. Para na ka ding nasa langit. Lalo na kapag nakapagkant ---" turan ni Jansen. Napatigil siya bigla sa pagsasalita ng mapatingin sa kanya lahat ng kaharap. "Nakapagkantahan." pagtutuloy ni Jansen. Sabay-sabay namang nagpawala ng hininga ang lahat ng itinuloy nito ang sinasabi. "Para tayong mga anghel nuon na nagkakantahan. Kapag nagutom ka, ipapatikim ko sa 'yo ang malaking ti ---" muling napahinto si Jansen. Lahat ay nakatingin sa kanya habang pigil ang hinin