Chapter 18

1942 Words
"Babalik ako next week Rosario. Ano gusto mong pasalubong?" wika ni Jansen na nagpapaalam na. "Ikaw bahala." pairap na tugon ni Rosario. "O kaya 'wag ka ng babalik." dugtong nitong pabulong. "Ano 'yun?" baling agad ni Jansen. "Wala. Sige na." sagot ni Rosario. Paglabas ng bahay ay naroon naman sina Mang Fidel at Aling Lucila. Siya namang pinapaalaman ni Jansen. "Oh kailan ang balik mo n'yan Jansen?" ani Aling Lucila. "Sa susunod na linggo po. Salamat po pala." tugon ni Jansen. "Ikamusta mo na lang ako sa Papa mo ha Jansen. Sana naman kamo ay makapasyal sila dito ng Mama mo." saad naman ni Mang Fidel. "Makakarating po. Sige po tuloy na po ako." paalam ni Jansen. Sa isang kisap-mata ay naglaho ito at sa muking pagsulpit nito ay nasa loob na ng sasakyan. "Huh? Namamalikmata ba 'ko? Saglit lang ako kumubli, nasa loob na agad ng sasakyan 'yung lalaking 'yun?" sabi ni Devon sa sarili habang nakaantabay sa labas ng malaking bakuran nila Rosario. Hindi naman nito nakilala si Jansen dahil may kalayuan ang agwat ng kanyang pinagkukublihan at ng veranda ng bahay. Nag-suot pa ng shades si Jansen kaya't lalong hindi ito nakilala ni Devon. Nang mapansin niyang palabas na ang sasakyan nito ay humangos siya pabalil aa kanilang bahay dahil maaaring makita siya ni Mang Fidel na nuon ay patungo sa gate upang pagbuksan nito ang kotseng palabas ng bakuran. Naisipan agad ni Devon na i-text si Rosario pagkauwi nito ng bahay. Tinanong niya dito kung sino ang bisita nito at ano ang naging pakay nito sa pagpunta sa kanila. Nabasa naman agad ni Rosario ang mensahe ni Devon. Alam niyang magiging mahaba ang kanyang paliwanag kaya't sinabi na lang niya na ipapaliwanag na lang niya ang lahat kapag nagkita na sila. Muling nagtext si Devon kung kailan sila magkikita, hindi na muling sumagot si Rosario dahil kahit siya ay hindi din niya alam ang isasagot sa kasintahan. Nakaramdam ng pagseselos si Devon dahil hindi maliwanag sa kanya ang pagkakasabi ni Rosario. Nanlumo din si Devon dahil sa napansin niyang kasundo ng mga magulang ni Rosario ang naging bisita nito. Bukod pa doon, nanliit si Devon sa kanyang pagkatao dahil naikumpara niya ang kanyang sarili sa naging bisita ni Rosario. Hindi maitatatwang mayaman ito at  magandang lalaki na mukhang artista sabi nga ng kanyang ina. Kinabukasan ay mabigat ang katawan ni Devon nang pumasok ito ng paaralan. Nasasaktan siya sa tuwing naiisip niya na nanlalamig na sa kanya si Rosario. Maging sa loob ng klase ay nawawala ang kanyang atensyon. Napupuna na din ito ng mga guro at kaklase niya. "Hi Devon." masiglang bati ni Sally habang siya ay nasa canteen at kumakain. "Oh ikaw pala Sally, kamusta? H-hindi mo yata kasama 'yung boyfriend mo? Kumain ka na ba?" sunod-sunod na tanong ni Devon. Pansamantala niyang inalis sa isipan si Rosario upang hindi mahalata ni Sally ang panlulumo niya. "May klase yata si Jansen. Hindi pa nagtetext eh. Hinahanap talaga kita. Nabasa mo na ba sa wall ng Artist's Club? May meeting tayo mamaya?" ani Sally. "Huh? Hindi pa eh. A-ano daw pagmimitingan?" tanong ni Devon sa gitna ng pagnguya nito. "Hindi pa nakalagay kung ano 'yung pagmimitingan pero may nasagap ako na may play ulit tayong ipeperform bago matapos ang semester." nakangiting turan ni Sally. "Naku magkakasabay-sabay pa pala. Malapit na din ang mid-term exan, kailangan kong mag-review at baka hindi ako maka-graduate. May balita ka ba kung ano ang play natin? Sana maliit lang ang role ko para kaunti lang kakabisaduhin ko?" saad ni Devon. "Well, let's see. Pero ang target ng school ay ang mga kalapit nating elementary private schools pati mga pre-elem kaya pambata daw 'yung play natin. Pero siyempre, required lahat ang students na bumili ng tiket." patuloy ni Sally . "Pambata? Anong pambata? Fairy tale ganu'n?   Eh usually love story din mga fairy tales 'di ba?" ani Devon. "Tama ka d'yan, pero ang dinig ko eh Peter Pan daw at ako ang gaganap na Wendy. Excited na nga 'ko. Sana nga totoo. Imagine, gagamit daw ng harness para daw mukhang makatotohanang lumilipad." may pananabik na saad ni Sally. "Sana isa na lang ako sa mga tauhan ni Captain Hook kung totoong Peter Pan nga ang gagawin natin." turan ni Devon. "Ewan ko kung papayag si direk ha. Devon naman, hindi ka naman bagay na maging pirata o extra lang noh. Pero wait, hindi pa 'ko sure kung Peter Pan talaga ha. Malalaman natin sa meeting mamaya. Sige na bye, hanapin ko lang ang jowa kong pogi. Hihihihi." umalis na si Sally pagkasabi nu'n. Hindi pa tuluyang nakakalabas ng canteen si Sally nang makasalubong nito ang boyfriend na si Jansen. "Oh babe ayan ka na pala!" sambit ni Sally na bahagya pang nagulat. "Saan ka ba galing babe? Kanina pa din ako naghahanap sa 'yo. Usapan natin du'n tayo magkikita sa corridor." ani Jansen. Dahil hindi pa nakakalayo, naririnig pa ni Devon ang usapan ng dalawa. Bahagya pa siyang sumulyap sa mga ito. "Eh kinausap ko lang si Devon. May meeting kasi kami mamaya regarding sa bago naming play. Kaya mauna ka na ding umuwi mamaya. Baka mainip ka pa sa 'kin, medyo matagal ang meeting namin eh." sabi ni Sally. "Okay sige." nangiti ng bahagya si Jansen sa sinabi ni Sally. Sumaglit pa itong sumulyap kay Devon bago ito tuluyang lumabas ng canteen. Matapos ang klase ay tumungo na si Devon sa kanilang pagpupulong. Si Sally naman ay nauna na doon sa kapanabikan nitong malaman ang kung ano ang kanilang gagawing pagtatanghal. Nabuo naman agad ang plano ni Jansen nang mga sandaling 'yun. Matiyagang naghintay malapit sa gate ng paaralan si Jansen na matapos ang pagpupulong nila Sally, hindi para hintayin ito kundi para isakatuparan ang plano niyang linlangin si Devon. Kumubli si Jansen sa isang sasakyang nakaparada sa labas ng paaralan. Napansin niya ang ibang kasali sa teatro na isa-isa nang naglalabasan.  Hanggang sa matanawan niya si Sally, mas lalo siyang kumubli upang hindi siya makita nito. At nang sa wakas ay nakita niya si Devon, mabilis siyang nagpalit ng anyo na kawangis na kawangis ni Rosario. Nakopya niya ang itsura ni Rosario nang dalawin niya ito sa bahay. Ang haba ng buhok nito, ang kilos at boses pati ang pagkakaroon nito ng saklay ay nagaya niya. Nang mapansin niyang malapit na sa gate si Devon ay lumabas siya mula sa pinagkukublihang sasakyan upang salubungin ang paglabas ni Devon. Laking gulat naman ni Devon nang matanawan niya ang inaakala niyang kasintahan. Hindi siya halos makapaniwala na pupuntahan siya nito sa paaralan niya sa kabila ng kapansanan nito. Napabilis ang lakad niya upang lapitan si Jansen na nagpapanggap na si Rosario. "R-rosario? P-paanong ---?" hindi malaman ni Devon kung ano ang una niyang itatanong sa kasintahan. "Devon, maaari ba tayong mag-usap? May alam ka bang pwede nating puntahan para makapag-usap tayo ng maayos?" pinalungkot pa ni Rosario ang kanyang mukha na nahalata agad ni Devon. "M-may problema ka ba? T-teka lang, saan ba?  Ayun, duon tayo." nakakita ng isang kainan si Devon. Dahil sa halos nag-uuwian na ang mga estudyante, wala na halos kostumer sa karinderyang kanilang pupuntahan. Binagalan naman ni Jansen ang paglalakad para magaya niya ng husto ang kilos ni Rosario. Lihim siyang nangingiti dahil buong akala ni Devon ay si Rosario siya. "Nagugutom ka ba? Gusto mo ba kumain o kahit softdrinks?" bahagyang nataranta si Devon dahil sa kapanabikan ng pagkikita nila ng ilang linggo nilang hindi pagkikita ng kasintahan. "Hindi Devon, tumakas lang ako sa 'min para kausapin ka."  tugon ni Rosario nang makaupo ito habang inaalalayan ni Devon. "Tungkol saan? Nagulat naman ako sa 'yo. Saan ka sumakay?" patuloy na pagkataranta ni  Devon. "Hindi na mahalaga 'yun Devon. Sinadya ko talagang personal kang makausap para sabihin ko sa 'yong may mahal na 'kong iba."  yumuko pa si Rosario na tila nalulungkot din ito sa tinuran niya. "Ano? Rosario, ano bang nangyari? Sabihin mo naman sa 'kin. Bakit naman biglaan kang naging ganyan sa 'kin? Sino'ng mahal mo? 'Yung de-kotseng nagpunta sa inyo kahapon?" pigil na pigil ang paglakas ng boses ni Devon dahil  iniiwasan niyang marinig sila ng may-ari ng karinderya. "Nu'ng una hindi naman 'yan ang problema natin, tapos ngayon naiba na. Bigla-bigla may kapalit na agad ako? Kung maka-kwento ka tungkol sa mga engkanto na sila ang paasa, na sila ang pa-fall tapos ganyan din pala gagawin mo sa 'kin?" patuloy ni Devon. Nagulat nang labis si Jansen na nag-aanyong Rosario sa tinuran ni Devon. Hindi niya akalaing naikwento na pala ni Rosario ang ugali ng isang kagaya niya. "Alam mo na 'yung tungkol du'n?" nabiglang sabi ni Rosario. "Anong tungkol du'n? Ano ba sinasabi mo Rosario. Lahat naman alam ko na 'di ba?" naguluhan ng bahagya si Devon. "Huh? Ah, eh --- hindi naman sa ganu'n Devon. Matagal ko na kasing boyfriend 'yun. Nag-away lang kami dati, akala ko hindi na niya ko babalikan simula nu'ng lumipat kami ng bahay." ani Rosario. "Wala ka namang kinukwentong ganyan sa 'kin dati Rosario ah. Napaka-unfair mo naman. Sabi mo lang dati may nangungulit sa 'yong engkanto tapus ngayon iba na naman ang kwento mo. Tapus sabi mo ang problema natin eh kung paano natin ipagtatapat sa mga magulang mo na alam ko na ang totoo n'yong pagkatao, ngayon iba na 'yang kinukwento mo." saad ni Devon. "Alam mo na din 'yun?" nabigla na naman si Jansen sa narinig mula kay Devon. "Rosario, may amnesia ka na ba? Ano ba 'yang mga sinasabi mo ha?" kunot-noong tanong ni Devon. "Ah ibig kong sabihin eh alam mo na, na hindi papayag ang mga magulang ko kung sakali mang alam mo na ang pagkatao namin." panay ang paghahabi ng katwiran si Jansen. "S-so sinasabi mo ngayon na kalahi n'yo 'yung m-manliligaw mo ngayon k-kaya payag ang mga magulang mo du'n? G-ganu'n ba 'yun R-rosario?" nanginginig na ang boses ni Devon dahil nais na nitong maluha sa mga naririnig sa inaakalang kasintahan. "G-ganu'n na nga Devon. S-sorry talaga. Saka 'wag ka na ding magtetext o tatawag sa 'kin. Baka si momny na makabasa ng mga text mo, kinuha na niya kasi 'yung sim card ko. Pinalitan na niya ng bago. Sorry talaga Devon. Humanap ka na lang ng iba, 'yung katulad mong normal na tao." nanatiling nakayuko si Jansen upang hindi mahalata ni Devon na walang lungkot sa kanyang mga mata sa mga sinasabi niya. Bumagsak ang mga luhang nakabimbin sa mga mata ni Devon. Mabilis niyang pinalis 'yun. Wala na siyang masabing iba pa dahil nasabi na niya ang lahat kay Rosario. Nagsunod-sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hindi niya inakalang ang kaninang kapanabikan niya ay malungkot na balita pala ang kapalit. Gayunpaman, nais pa din niyang isabay ito sa pag-uwi dahil inaalala pa din ni Devon ang kalagayan ni Rosario. "Kaya ko Devon. Nakapunta 'kong mag-isa dito, kaya makakauwi din akong mag-isa. Sorry talaga. Sige mauuna na 'ko. 'Wag mo na 'kong alalahanin." tumayo na si Rosario at nagsimula na itong humakbang. Napangiti ng maluwag si Jansen pagtalikod kay Devon. Nagdiriwang ang kanyang kalooban dahil alam niyang naniwala sa lahat ng kanyang sinabi si Devon. Bukod pa doon, nalaman din niya ang sikreto ng dalawa. Isang bagay ang hindi nasabi ni Rosario kay Devon ay ang kapangyarihan nilang mga engkanto na manggaya ng itsura ng ibang tao. Ilang sandali pa ay sumunod na din si Devon na tumayo matapos niyang punasan ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Ang kanyang lungkot ay panandaliang napalitan ng pagtataka dahil hindi na niya naabutang naglalakad si Rosario. Kahit ilang minuto pa siyang nagpaiwan sa karinderyang kanilang tinigilan, dapat ay naabutan pa din niya si Rosario dahil sa mabagal nitong paglakad. Nanumbalik naman agad ang lungkot sa kanya  nang naisip niyang muli ang pakikipaghiwalay sa kanya ni Rosario.  Panay pa din ang linga niyacna baka sakaling makita pa niya ito. Hanggang napaisip siyang nasakay agad ito ng tricycle kaya hindi na niya ito naabutang naglalakad. Lingid sa kanya ay naglaho na si Jansen na nagpanggap na si Rosario.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD