Chapter 17

1987 Words
Inakala ni Devon na may bisita sina Rosario nang hapong iyon kaya't hindi na siya nag-atubiling pumunta sa bahay nito. Sa halip ay naisip na lang niya na maghintay kinagabihan. Samantala, binalaan na nina Mang Fidel at Lucila ang kanilang anak na itigil na ang pakikipagmabutihan kay Devon hangga't maaga pa. Habang hindi pa sila tuluyang magkasintahan, dahil 'yun ang akala nila. Nagpasya pa si Lucila na tabihan si Rosario sa pagtulog kinagabihan sa pangamba na lumabas na naman ito na kalahati lang ang katawan. Nakakuha naman ng tiyempo si Rosario na mag-text kay Devon na ipagpaliban muna ang pagpunta sa kanila, sinabi niya ang dahilan at naintindihan naman ito ng binata. Nasabi din Ni Rosario na maging ang pagkikita nila ay magiging limitado na dahil sa pagbabantay ng kanyang ina sa tuwing siya ay matutulog. Nang mga sumunod na araw ay sa pamamagitan lang ng cellphone nakakapag-usap sina Devon at Rosario. Hindi naman masabi ni Rosario ang tungkol sa tiyanak sa pangambang iwasan na siya ni Devon kapag nalaman ito. Masakit kay Rosario ang nangyayari. Patuloy niyang minamahal si Devon subalit puno ng pangamba ang kanyang damdamin. Ramdam din niya ang pagmamahal ni Devon sa kanya dahil nangungulila na ito na sila ay magkita. Ikinatuwa naman kahit paano ng mag-asawang Lucila at Fidel ang inakala nilang pagputol ng pakikipagmabutihan ng kanilang anak kay Devon. Sa isang banda, nababakas din nila ang lungkot sa mga mata nito subalit wala naman silang magagawa dahil iniiwas lang nila ang anak at ang kanilang pamilya sa tiyak na kapahamakan kung ipagpapatuloy ni Rosario ang pakikitungo kay Devon. Ang buong akala naman ni Devon, ang pagiging mananananggal lamang ang siyang dahilan kung bakit siya pinapaiwasan kay Rosario ng mga magulang nito. Wala siyang kaalam-alam na si Rosario na din mismo ang nais na umiwas hangga't hindi pa buo ang kanyang kalooban na ipagtapat kay Devon ang magiging bunga  kung sila nga ay magkakatuluyan. "Eh kung kausapin ko na kaya ang mga magulang mo Rosario? Sabihin ko na matagal ko ng alam ang pagkatao n'yo?" sabi ni Devon nang tinawagan niya si Rosario sa telepono. Ilang linggo na din kasi silang hindi nagkikita. "Devon, hindi ganuon kadali 'yun. Basta,  gagawa ako ng paraan na magkita tayo pero hindi pa panahon para ipagtapat natin 'yun kina Mommy at Daddy." tugon ni Rosario. Samantala, pinaghandaan ng husto ni Jansen ang muli niyang panunuyo kay Rosario. Isinantabi muna niya si Sally. Nais pa niyang mahulog ng lubos sa pagmamahal sa kanya si Sally bago niya ito iwan. Sa ganuong paraan, mas malakas na kapangyarihan ang makukuha niya dito. Sumadya siyang muli sa Engkantuta upang humingi ng allowance sa kanyang ama at manghiram din ng kotse para sa kanyang gagawing panliligaw. Namili agad ng pasalubong si Jansen gaya ng tsokolate, stuffed toys at ibinili din niya ng mamahaling relo si Mang Fidel. Alahas naman ang ibinili niya para kay Aling Lucila. Mapormang-maporma na ang dating niya, hindi na siya nag-aksaya ng pagkakataon at tinungo na niya ang bahay nila Rosario. Kasalukuyang galing sa pakikipaghuntahan si Aling Salome sa kapitbahay nang dumaan ang magarang kotse na minamaneho ni Jansen. Nakilala agad ito ni Aling Salome at dali-daling  pumasok ito ng bahay upang sabihin sa anak ang nakita. "Devon... Devon anak." sunod-sunod na tawag ni Aling Salome "Oh 'nay, nandito lang ako. Bakit po? Para ka na namang nakakita ng multo." nakangiting tugon ni Devon habang nakaupo ito sa kanilang sofa at nagdududutdut ng cellphone. "Anak naitanong mo ba dati kay Rosario kung sino 'yung naging bisita niyang poging binata?" humihingal pang bungad ni Aling Salome. "Nalimutan ko na 'nay itanong eh. Bakit po ba?" si Devon na biglang nagka-interes sa sinasabi ng ina. "Eh kasi nakita ko na naman 'yung lalaki. Sigurado kong siya 'yun at nakababa ang salamin ng bintana nu'ng magandang kotseng minamaneho niya. Mukhang duon na naman papunta kina Fidel. Tapatin mo nga ako Devon, napansin ko nitong mga nakakaraan eh hindi ka na yata napupunta duon kina Rosario. Nag-away ba kayo? O tumigil ka na sa panliligaw? Sa tingin ko kasi mukhang aakyat ng ligaw 'yung binata na 'yun eh." dire-diretsong saad ni Aling Salome. "H-hindi naman po kami nag-aaway 'nay. M-may usapan naman po kami. Saka okay naman po kami. Baka naman bisita lang nila 'yun 'nay. Binigyan mo naman agad ng kahulugan." tugon ni Devon. "Kamakailan lang nandiyan tapos ayan na naman? Eh sino bibisitahin nu'n? Alangan namang si Lucila." turan ni Aling Salome. Napaisip bigla si Devon sa tinuran ng kanyang ina. Naglumikot sa kanyang isip na baka nga may ibang manliligaw na si Rosario kaya't binawalan na siya nitong magpunta sa kanila. Pero bakit naman siya nito babawalan ng dahil duon samantalang nararamdaman niya na mahal siya ni Rosario. Nagpaalam ai Devon sa kanyang ina na kunwari ay pupunta lamang siya sa bahay ng kanyang kabarkada. Pero plano niyang magmatyag kung totoo nga ang hinala ng kanyang ina. Samantala, naramdamang muli ng mag-anak ang awra ng isang engkanto. Sabay na lumabas ang mag-asawang Fidel at Lucila, napasilip naman sa kanyang bintana si Rosario. Napuna agad ni Mang Fidel ang isang puting kotse sa tapat ng kanilang gate. Mabilis niyang tinungo iyon. Akma namang pababa si Jansen nang makitang papalapit si Mang Fidel. Nakaantabay naman sa veranda si Aling Lucila sa kung sino ang sakay ng puting kotse, maging si Rosario ay naghihintay din mula sa kanyang bintana. Batid nilang lahat na ang sakay nito ay ang engkantong naramdaman nila. "Magandang hapon po Mang Fidel." bati agsd ni Jansen. "Oh Jansen, ikaw pala 'yan. Buti natutunan mo agad itong amin. Sandali at bubuksan ko 'tong gate." tugon ni Mang Fidel. Hindi pa din gaanong nakikilala ni Aling Lucila si Jansen dahil sa magandang porma nito. Si Rosario naman ay nagmamadaling humiga upang magtulug-tulugan dahil,nakilala niya agad na si Jansen ang siyang dumating. "Oh Jansen ikaw pala 'yan, kamusta ka na?" bati ni Aling Lucila nang lumapit si Jansen pagkababa nitong muli sa sasakyan. "Mabuti naman po. S-si Rosario po?" saad ni Jansen. "Ako na ang tatawag. Lucila, pagmeryendahin mo si Jansen." ani Mang Fidel. "Ah Mang Fidel, Aling Lucila may dala po akong meryenda 'wag na po kayong mag-abala. Tara po Aling Lucila patulong na lang po, kunin po natin sa kotse." aya ni Jansen habang tinawag naman ni Mang Fidel si Rosario sa kwarto nito. "Rosario, may bisita ka. Nand'yan si Jansen. Bumaba ka na du'n. Liparin mo na para mapabilis ka." ani Mang Fidel pagkabukas ng  hindi nakakandadong pintuan ni Rosario. "Bakit daw daddy?" kunwari naman ay kagigising lang ni Rosario. "Anong bakit? 'Di ba nanliligaw sa 'yo 'yun matagal na? Harapin mo na. Mukhang ang layo pa ng pinanggalingan nu'ng batang 'yun."  saad ni Mang Fidel. "Sige po Daddy. Susunod na po ako." tugon ni Rosario. Mabigat na mabigat ang katawan niyang bumangon. Hindi niya alam kung paano pa siya nasundan duon ni Jansen pero hindi na din siya nagtataka dahil alam naman nila ang kapangyarihan ng isang engkanto. "Buti Jansen natutunan mo agad pumunta dito eh 'di ba nasa Aklan kayo?" si Aling Lucila. "Ministro na po si Papa, kaya nalipat na sila sa Pampanga kasama na din po si Mama." tugon ni Jansen. "Ibig sabihin galing ka ng Pampanga niyan?" si Aling Lucila. "Hindi po. Diyan lang po ako galing sa ---- sa may bayan po. Du'n po ako bumili nitong meryenda. Opo, sa Pampanga po ako galing nito." pagsisinungaling ni Jansen. "Ah siyanga po pala, para po pala sa inyo." dugtong nito sabay abot ng maliit na kahon na pinaglalagyan ng kwintas at katernong hikaw. "Napakaganda naman nito Jansen. Nag-abala ka pa. Malaki na siguro sahod ng Papa at Mama mo noh. Pati 'yung kotse mo ang handa din eh." nakangiting saad ni Lucila. "Hi Rosario." baling ni Jansen kay Rosario habang lumilipad at pababa ito upang dumikit sa bitbit nitong kalahating katawan. Tumayo si Jansen at lumapit ito kay Rosario upang ibigay ang pasalubong nitong mga tsokolate at pumpon ng bulaklak. "Para nga pala sa 'yo." "Salamat." matipid na sagot ni Rosario. "Mang Fidel para naman po sa inyo." sabay abot ni Jansen ng maliit na kahon. "Pati ba naman ako eh meron?" ani Mang Fidel. "Naku Fidel tingnan mo 'tong bigay sa 'kin ni Jansen, napakaganda oh." pagmamalaki ni Aling Lucila sa pasalubong sa kanya. Hindi ipinahalata ni Jansen na nakopya na niya ang itsura ni Rosario. Isa sa kapangyarihan ng mga engkanto ay kopyahin ang itsura ng isang nilalang. Subalit hindi sila maaaring tumapat sa isang repleksyon gaya ng salamin, sa tubig o sa makikintab na bagay na maaaring makita nila ang sarili dahil ang sarili pa din nilang katauhan ang makikita dito. Kinopya niya ang kabuuan ni Rosario para sa isa niyang pinaplano. "Oh sige iwan muna namin kayo ha. Dito lang kami sa veranda ng Daddy mo Rosario. Dito na kami magmeryenda. Salamat Jansen ha. Rosario ikaw na bahala sa bisita mo. Jansen, pasensya ka na, hindi ka masyadong maasikaso nitong si Rosario at naaksidente 'yan. Pero ilang buwan na lang tatangfmgalin na din 'yung semento niyan." wika ni Aling Lucila. "Eh sige po. Salamat po." tugon ni Jansen. Hinintay na munang makalabas ni Jansen ang mga magulang ni Rosario bago ito muling nagsalita. "Kamusta ka na? Bakit hindi ka nagrereply sa mg chat ko sa 'yo? Saka sorry, hindi ko alam na naaksidente ka pala." bungad ni Jansen. "Jansen, 'di ba sinabi ko naman sa 'yo nuon pa na hindi pa 'ko handang magka-boyfriend. W-wala ka bang ibang nagugustuhan?" tugon ni Rosario. "Alam mo namang ikaw lang ang gusto ko nuon pa man. May nabalitaan ka bang nanligaw ako ng kagaya ko o ng isang kagaya mo? Kung manligaw man ako ng isang pangkaraniwang tao, alam mo naman ang dahilan nu'n. Saka ano pa ba hahanapin mo sa iba? Gusto naman pareho ng mga magulang natin na tayo ang magkatuluyan. Kaya ko naman ibigay sa 'yo ang lahat." wika ni Jansen. "Eh hindi pa nga ako ready." tugon ni Rosario. Isang iglap ay naglaho si Jansen habang nakaharap kay Rosario at sumulpot ito na nasa tabi na ng dalaga. Mabilis din na nagagap nito ang kamay ni Rosario. "Hanggang kailan mo pa 'ko paghihintayin? Dapat na nating magparami ng lahi." sambit agad ni Jansen. Hindi na ikinagulat ni Rosario ang ganuong kilos ni Jansen dahil alam niya ang kayang gawin nito. Binawi naman agad ni Rosario ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Jansen. "Ano naman palagay mo sa 'kin? Palahian? Ang bata ko namang malolosyang nu'n." saad nito. Muli na namang kinuha ni Jansen ang mga kamay ni Rosario. "Bakit ka naman malolosyang? Bawat anak natin may isang yaya at wala ka ding gagawin sa bahay kundi paligayahin lang ako. Kapalit nu'n eh ibibigay ko naman lahat sa 'yo." aniya. Sa pagkakataong 'yun ay muling binawi ni Rosario ang kanyang kamay at humiwalay ang kanyang kalahating katawan upang malayo kay Jansen. Sadyang maluwag ang bahay nila Rosario kaya't malaya niyang naipapagaspas ang kanyang mga pakpak sa sala. "Oh bakit mo naman ako nilayuan. S-siguro may boyfriend ka na noh?" turan ni Jansen. Hindi agad nakasagot si Rosario. Bahagya siyang tumalikod upang ikubli ang reaksyon ng kanyang mukha. "Paano ako magkaka-boyfriend eh nakita mo namang pilay ako. Narito lang ako sa loob ng bahay. Sino naman ang manliligaw sa 'kin dito? S-saka wala namang ibang manananggal at engkanto dito sa lugar na 'to kundi kami." pagsisinungaling ni Rosario. "Napa'no ba naman kasi 'to?" ang binti ni Rosario ang tinutukoy ni Jansen. Dahil sa may kalibugan ang mga engkanto, hindi napigilan ni Jansen na himasin ang binti ni Rosario na naiwan sa tabi niya. Subalit kahit hindi nakatingin si Rosario ay naramdaman niyang may malisya ang ginawang paghimas ni Jansen. Sinipa niya ito at tinamaan sa noo. "Aray ko. Bakit ka ba naninipa?" daing nito. "Eh manyak ka eh. Wala ka pa din talagang pinagbago." tugon ni Rosario sa malumanay pa ding boses. "Manyak na ba 'yung concern? Nag-alala lang ako kung napa'no 'tong binti mo." si Jansen habang hawak pa din ang noo. "Bumalik ka nga dito kasi." Samantala, nakakubli sa puno si Devon na matiyagang nagmamatyag sa 'di kalayuan mula sa bahay nila Rosario. "Nasa labas sina Mang Fidel at Aling Lucila, ibig sabihin nasa loob 'yung bisita at si Rosario. 'Yun siguro 'yung kotseng sinasabi ni Nanay, ganda nga pala." sabi ni Devon sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD