Chapter 7

2049 Words
Binigla ni Lucila ang pagpihit sa hawakan ng pintuan sabay tulak nito. Nagulat naman si Rosario na kasalukuyan pa ding nakahiga at hawak ang papel na binigay sa kanya ni Devon na kakabisaduhin niya. "Nasa'n 'yang Romeo na 'yan? Ilabas mo na Rosario." bungad ni Lucila nang hindi nito natanawan ang kausap ng anak. "S-sino pong Romeo mommy?" napakunot-noong tanong ni Rosario sa ina. "'Wag ka ng magmaang-maangan pa. Narinig kong may kausap ka dito at may pasumpa-sumpa ka pang kamatayan lang makakapaghiwalay sa inyo." patuloy ni Lucila kasabay ng paglilibot ng mga mata nito sa buong silid. Dinukwang pa nito ang bintana sa pag-aakalang lumundag duon o sumabit kung saan man ang kausap ng anak. Naalala ni Rosario ang binabasa niyang script pero hindi niya maaaring ipagtapat sa kanyang ina ang tungkol dito dahil natitiyak niyang sisitahin siya tungkol duon. "Ahh, mommy eto sa cellphone oh. Binabasa ko, Romeo and Juliet. Nilalagyan ko lang ng feelings ang pagbabasa. Kung makapasok ka naman eh." naisipang isagot ni Rosario. Itinago niya sa loob ng kumot ang mga tangan niyang papel. "Aba, at may pangarap ka pa yatang mag-artista. Akala ko naman eh nagpapasok ka na ng lalaki dito." tila napahiya ng kaunti si Lucila. "Pinagdalhan pa kita ng almusal. Akala ko pa naman eh masakit 'yang paa mo kaya hindi ka bumababa. Teka nga kunin ko lang dito sa labas." dugtong pa ni Lucila sabay kuha nito ng pagkain ng anak na pansamantalang iniwan sa labas ng kwarto. Samantala, dinatnan ni Aling Salome ang anak na si Devon na nagwawalis ng bakuran. Lingid sa kanya, nalinis na din nito ang buong bahay maging ang mga hugasing pinggan at mga isising kaldero. "Aba, himala ang aga mo yatang nagising. Ano ba nakain mo't ainipag ka yata ng husto. Tulungan mo nga ako dine." bungad ni Salome pagkababa ng tricycle. Marami itong bitbit galing ng Maynila. "Mano nga 'nay. Akala ko naman mamaya pa uwi mo." salubong ni Devon sabay kuha ng mga bitbit ng kanyang ina. "Madilim pa'y umalis na 'ko doon. Tara tingnan mo mga dala ko. Halos mga bago pang mga damit ang binigay ng amo ng tatay mo. Ang gaganda at mga imported pa. Tantya ko eh kasya sa 'yo lahat." turan ni Salome habang papasok sila ng bahay nitong gawa sa bato ang silong at kahoy naman ang taas-bahay. Napansin agad ni Salome na malinis ang buong kabahayan. "Anak hindi ka ba nilalagnat? Abe itlog lang ang inulam mo kagabi eh bakit sinipag ka yata ng husto ngayon?" "Si Nanay naman, malapit ko na kasing makabisa ang buong script ko. Kaya natuwa ako, sa paglilinis tuloy nabaling 'yung isip ko. Saka para naman hindi mainit ulo mo pag-uwi mo." nakangiting tugon ni Devon. Isa-isang inilabas ni Salome ang mga dalang damit. "Oh 'di ba, ang gaganda. Parang hindi pa nga naisuot eh. Sa 'yo lahat 'yan. Nakatabi na 'yung sa tatay mo. Siempre meron din ako. Mga duster na pang-mayaman. Sabi ko nga maisusuot ko ba dito 'to." "Wow, pamorma na pala mga 'to 'nay ah. Teka itabi ko na sa kwarto ko. 'Nay hindi pa nga pala ko kumakain ng almusal." sabi ni Devon bago tuluyang pumanhik sa itaas. "Oh sige magluluto na din ako. Dumaan na din kasi 'ko ng palengke para sa ulam natin. Hanggang sa susunod na araw." sagot ni Salome. Matapos iayos ni Devon ang mga dala ng kanyang ina ay ipinagpatuloy niya ang pagwawalis ng bakuran. Nangingiti pa din siya sa tuwing naalala niya ang nakaraang gabi. Hanggang sa namalayan niyang napalayo na naman siya ng pagwawalis kung saan abot-tanaw na niya ang gate ng bahay nila Rosario. Napansin niya ang mga magulang nito na nasa harapan ng bahay at nag-aayos ng mga halaman. Ang dating masukal at madamong bakuran ay nagmukha ng hardin. Wala na siyang maramdaman ni katiting na takot sa dating lumang bahay. Bagaman lumang modelo ang yari nito, nagmukha itong masigla dahil sa kulay manilaw nilaw nitong pintura sa harapan na may kombinasyon na kulay tisa. Ang gate din nito ay napinturahan na ng kulay puti. Isang dahilan pa na ikinawala ng takot niya sa bahay na iyon ay dahil sa kilala na niya ang katauhan ng mga nakatira dito. Dala ang kanyang walis ay napalapit ng napalapit siya sa bakuran nila Rosario. Bigla siyang natanawan ni Mang Fidel na kasalukuyang nagdidilig ng mga halaman. "Oh Devon, kamusta? Hindi ka na ulit pumasyal?" bahagya pang lumapit si Mang Fidel pagkatanaw sa kanya. Kumaway naman si Aling Lucila na kasalukuyang nagtatanim pa ng ibang halaman. "Medyo abala po. May kinakabisado po kasi 'ko, may play po kasi kami sa school. Eh kasali po ako. Mang Fidel ang laki na ng pinagbago ng bahay n'yo ah. Ang ganda na. Ganyan pala kaganda 'yan kapag naiyos. Simula kasi nu'ng bata ako, wala na 'kong nakitang naglilinis diyan kaya mukhang nakakatakot dati." wika ni Devon. Napangiti naman si Mang Fidel sa sinabi ni Devon. "Tara pasok ka muna. Dito ka na magkape. Nagkakape ka ba?" sabay bukas nito ng gate. "Naku, 'wag na po nakakahiya naman." maagap na sagot ni Devon. "Ayan ka na naman. Tara na, para makita mo naman ang loob." pilit ni Mang Fidel. "Lucila, itimpla mo nga kami nitong si Devon." baking agad nito sa asawa na tumayo agad pagkasabi ni Fidel. Hindi na nakatanggi si Devon at pumasok na siya ng bakuran dala pa din ang walis na gamit niya. Naulinigan ni Rosario na may ibang taong kausap ang kanyang mga magulang. Dahil nasa harapan ang kanyang kwarto ay dumungaw agad siya dito. Laking gulat niya nang makita niya lng papasok ng kanilang bakuran si Devon. At sa pagkakadungaw ni Rosario, nakuha nu'n ang atensyon ni Devon. Nangiti agad si Devon pagkakita sa dalagang manananggal na nakakwentuhan niya nang nakaraang gabi. Napakaway bigla si Devon kay Rosario bilang pagbati dito na ginantihan din  agad ni Rosario ng pagkaway at pagngiti dito. Napakunot ang noo ni Mang Fidel dahil nakita niya ang pagkaway ng kanyang anak. Alam niyang hindi naman ugali nitong siya ay kawayan. Nang sulyapan niya sa kanyang tabi si Devon, napuna niyang sa anak niya ito nakatingin at nakangiti din ito. "M-magkakilala ba kayo ng anak ko Devon?" tanong agad ni Mang Fidel. Tila may bumara sa lalamunan ni Devon at hindi niya agad nasagot ang tanong ng ama ni Rosario. "Po? Ah, h-hindi po kami p-personal na magkakilala. 'Di po ba nandito ako nu'ng nagpapalinis po kayo? T-tapos po sabay-sabay po tayong kumain. Duon po kami unang nagkita."  naisip na isagot ni Devon. "Ah oo nga pala. Nalimutan ko. Madalas kasi nasa itaas lang 'yan si Rosario. Upo ka muna." alok ni Mang Fidel nang nasa veranda na sila. "Naaksidente kasi 'yan, pero minor lang. May nabaling buto sa binti niya kaya nakasemento ngayon. Pero makakalakad pa naman siya, ilang buwan na lang siguro. Kaya nahinto din nga sa pag-aaral. Inip na inip na nga dito 'yan eh." patuloy ni Mang Fidel. Hindi na nila tanaw si Rosario mula sa kinauupuan nila. "Anong year na po ba siya? Saka anong course po?" tanong ni Devon. "Management, dapat graduating na nga 'yan kaso nga nahinto dahil nga d'yan sa aksidente niya. Oh, magkape ka muna." saad ni Mang Fidel sabay dating ng asawa nito dala ang dalawang tasa ng kape. "Good morning po Aling Lucila. Pasensya na po sa abala." bati ni Devon. "Naku, ano bang abala 'yang sinasabi mo. Sige iwan ko muna kayo at tapusin ko lang 'yung tinatanim ko ha." paalam ni Lucila. Matapos magkape ay nagpaalam agad si Devon at naalala niyang pinagluto siya ng kanyang ina ng almusal. Masaya siyang nagpaalam at umuwi dahil nasilayan na niya si Rosario. "Akala ko eh lalamig na naman 'tong niluto ko.  Pinagwalis mo din ba 'yung bakuran ng kapitbahay?" saad ni Salome habang naghahain. "N-nahunta lang ako 'nay diyan sa labas. Napadaan si Totskie eh sa labas na lang kami nagkwentuhan." ginawang dahilan ni Devon ang barkada niya. "Ah eh sa'n daw papunta si Totskie?" "Nagba-bike lang. Niyayaya akong magbuhat eh sabi ko marami kong ginagawa." "Ano naman ang bubuhatin n'yo? Bakit maglilipat ba sila?" "Nay, parang sa gym 'yun. May ginawa kasi siyang gawa sa semento. Basta binubuhat 'yun. Parang barbell na maliit, ayun parsng ganu'n." "Aba, magpapalaki ba ng katawan 'yang si Totskie? Kailangan pa ba talagang may ganu'n?" "Nay naman, ganu'n talaga kapag binata, para malakas ang dating sa mga girls." "Naku, eh bakit hindi kayo magbukid para maglakihan 'yang mga katawan n'yo. Malaki pa pakinabang sa inyo kapag ganu'n." "Hmp, Nanay talaga." hindi na sinagot ni Devom at alam niyang hindi matatapos ang usaping 'yun. Itinuon na lang niya ang sarili sa pagkain. Dumaan ang buong maghapon at kinainipan ni Devon na sumapit ang gabi. Maaga niyang niyaya ang kanyang ina na maghapunan. Siya na ang naghugas ng pinagkainan at naglinis ng kusina na siyang ipinagtaka ng ina nito. "Aba, naninibago ko sa 'yo Devon ha. Para kang na-engkanto. Bakit ba ang sipag mo ngayon?" turan ni Aling Salome na nakaupo sa sofa nilang gawa sa kawayan. "Nay, galing ka sa byahe kanina 'di ba? Siempre pagod ka na. Sige na po, matulog na kayo. Aakyat na din ako. Magsisipilyo lang ako." tugon ni Devon. "S-sabagay, parang ang aga ko ngang antukin ngayon." wika naman ni Salome na nagpangiti ng lihim kay Devon. "Oh sige, patayin mo 'yang ilaw sa kusina pagkatapos mo d'yan." dugtong pa nito. "Nga pala 'nay, magpapraktis ako mamaya ha. 'Wag mo na kong panikhin sa itaas. Malapit ko ng makabisa eh. Next week na 'yung performance namin." habol pa ni Devon. "Naku bahala ka, isara mo na lang 'yung bintana mo kung natatakot ka." sinabayan na ng alis ni Aling Salome patungo sa kwarto niya sa ibaba ng bahay. "Wala na 'kong kinatatakutan ngayon." nakangiting sabi ni Devon sa sarili habang nagtu-toothbrush ito. Inayos pa ni Devon ang kanyang kwarto pagdating niya dito. Pinaglaanan din niya ng pwesto si Rosario kung saan makakakilos ito ng maayos at upang walang masagi na gamit niya ang mga pakpak nito. Nagpabango pa siya upang maging kaaya-aya ang kanyang amoy sa inaasahan niyang bisita. Sinimulan niyang mag-ensayo upang mabawasan ang kanyang pagkainip. Subalit lalong nawala ang atensyon niya sa kanyang kinakabisa dahil inookupa ng isip niya ang pagdating ni Rosario. Maya't maya ang tingin niya sa cellphone niya upang alamin ang oras. At nang talagang hindi siya makapagpraktis ay tumambay siya sa harap ng kanyang bintana na binuksan niya ng husto. Sinisipat din niya ang puno sa tapat ng silid niya, nagbabaka-sakali siyang naroon na ang kanyang hinihintay, subalit wala pa din ito. Nang biglang sumulpot si Rosario mula sa itaas. Inilawit nito ang ulo sa tapat mismo ng mukha ni Devon. "Aaahh." napasigaw si Devon sa gulat at bahagya itong napaatras. "Hinihintay mo 'ko noh." bati ni Rosario na nakabaligtad pa din. "Nakakagulat ka naman. Pumasok ka na nga dito. Baka may makakita pa sa 'yo d'yan." may bahagyang diin na turan ni Devon. Umayos naman si Rosario at pumasok sa loob ng bintana. "Galit ka yata? Mukhang mainit ang ulo mo. Aalis na lang kaya ako?" "Hindi hindi. Nagulat lang kasi ko. Bakit naman kasi nanggugulat ka?" saad ni Devon. "Para naman iba entrance ko. Akala ko pa naman matutuwa ka. Teka, ang bango naman.  Nagpabango ka pa yata." "Huh? Ah, h-hindi. Baka 'yung sinubukan kong pabango kanina, umaamoy pa din pala. Kanina pa 'to." maang-maangan ni Devon. "Echusero. Mukhang kalalagay mo lang eh. Anyways, oh paano? Game na ba tayo? Hindi ko masyadong kabisado ha, pero may mga alam na 'ko." sambit ni Rosario. "Saang parte ba 'yung kinabisa mo?" tanong ni Devon. "Duon sa nagkita sina Romeo at Juliet, 'yung nalaman na ng mga magulang nila na may relasyon sila. May yakapan saka kissing scene." tugon ni Rosario. "Lagpasan na lang natin 'yung yakapan saka halikan." sabi ni Devon. "Aba'y bakit? Eh kasama sa script 'yun? Siguro mabaho hininga mo noh kaya ayaw mo noh?" sapo naman agad ni Rosario sa sinabi ni Devon. "Hindi ah. K-kaya lang --- kahit hindi na." nahihiyang turan ni Devon. "Ah alam ko na. Nandidiri ka siguro sa 'kin kaya ganu'n. Kasi ganito itsura ko. Okay sige 'wag na lang." pinalungkot ni Rosario ang mukha niya. "Uy hindi sa ganu'n. K-kasi, nakakahiya naman kung gagawin pa natin 'yun." agap na sagot ni Devon. "Bakit ka nahihiya? Be professional, wala namang malisya. Para maging makatotohanan ang acting mo. 'Wag mong isiping ako 'to. Isipin mo ako si Juliet, ikaw si Romeo. Ganu'n din ang gagawin ko. Ano? Game na? Aba'y lalalim na naman ang gabi, wala tayong mapapraktis niyan." saad ni Rosario na nakadipa pa ang dalawang braso habang nagsasalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD