Six days into her job and she can say that she is actually enjoying it. Tahimik palagi ang bahay at hawak niya ang oras. Langdon left her on her own while he does his business on the other side of the room in his table. Wala silang masyadong interaction maliban na lang sa mga pagkakataon na kailangan niyang ipaalam dito na tapos na siya sa isang kahon.
Kung kinakailangan ay kakatukin niya ito sa silid nito kahit nahihiya siya. That’s the time when he would come and initiate some casual conversations with her.
Tulad niya ay palagi rin itong tahimik. Palaging nakatutok ang mga mata sa computer kapag naaabutan niya ito. Palaging tulog sa buong araw kaya minsan niya lang din itong nakikita kaya sinasadya niyang magtrabaho hanggang sa gabi kahit alam naman niyang suntok sa buwan na makita niya roon ang binata. Nagbabakasakali siyang masilayan ito bago siya matulog.
Napansin niya ring madalas itong umiinom habang naglalagi sa katabing silid ng study. Maraming beses niya itong nakikita mula sa nakaawang na pinto nito na nagpapakalasing habang nakatitig sa hawak na frame.
She assumed it’s his dead girlfriend’s photo he’s looking into. Naaalala niya ang sinabi sa kaniya ng kaniyang ina tungkol sa mga Asturia. They may be steely cruel but they’re the most loyal when it comes to relationships. An Asturia only loves once in his lifetime and when they do, they make sure it’ll be their first and last.
“Breakfast.”
Nahinto ang kaniyang pagtipa nang marinig ang boses ni Langdon mula sa pinto. Nag-angat siya ng ulo rito. He looks so fresh in his black three-piece suit that she can’t help but just stare at him. It’s the first time she saw him in these type of clothes and she’s not complaining. Why when he looks so damn good, expensive, and refined in it.
“Take your breakfast first. Iwanan mo muna iyan,” wika nito at tumalikod na.
Saglit siyang natulala bago kinuha ang cellphone para tingnan ang oras. It’s already nine in the morning. Masyado nang late para sa nakasanayang oras niya sa pagkain. Inayos niya muna ang suot na t-shirt at jeans bago sumunod. Naabutan niya itong nasa bungad ng kusina at hinihintay siya.
“Eat,” utos nito sa kaniya nang dumulog siya sa hapag.
May mga nakahain na na pagkain sa mesa. May sinangag, miso soup, bacon, ham, at chorizo.
“Nagluto ka?” she excitedly asked.
“No, that’s homecooked from Zheryll. Your friend is insisting to give you food. Akala niya siguro ay ginugutom kita.”
She smiled and took a seat. Nagsimula siyang maglagay ng sinangag sa plato.
“Andrea is really sweet." Sinulyapan niya ito mula sa sinusubo. "Aalis po kayo?”
“Yeah, I need to. You need anything? I will buy it for you.”
Inilabas nito ang latest model ng Iphone sa bulsa at nakapamulsang naghintay sa sagot niya.
Alam naman niyang honest question iyon. Nothing suggestive implied pero hindi pa rin niya napigilang kiligin. Napailing siya sa sarili. Ang babaw niya talaga kahit kailan.
Sumubo siya ng bacon at kanin habang pinipigilan ang ngiti.
“Wala po. Meron pa po ako ng lahat ng kailangan ko.”
“Anything particular you want to eat? Come on. Don’t be shy. I am not a neglectful employer in case Zheryll had fed you that.”
Umiling siya. “Wala po. Okay na po ako.”
“Alright. But you can always tell me about your requests. Don’t believe any thing that man will tell you about me.”
Napabungisngis siya sa tinuran nito.
“’Wag po kayong mag-alala. You’ve been a good employer to me.”
“You think so?” He nodded. “Hmmm. That’s good. Anyway, finish the rest of the papers in the box for today. Stop when you’re done and do not attempt to open any box. Wait for me until I come home."
“Kuha ko po. Ingat ka, Lang.”
Before she could stopped herself from saying it all loud, it already slipped out of her mouth. Huli na para bawiin niya ang sinabi kaya nagkunwari na lang siya na wala lang sa kaniya ang mga nasabi. Nagpatuloy siya sa pagkain habang tahimik na pinapagalitan ang sarili sa katangahan.
Nawala ang magandang bukas ng mukha nito at natigil sa pagtitipa ng kung ano sa cellphone. His face became stony in an instant.
“What did you just call me?” he asked in a tone she found to be unsettling.
Napakagat-labi siya sa katangahan. Kung bakit pa kasi niya naisatinig ang nickname na ginawa niya para sa lalaki.
"Ahm.. Lang? Short for Langdon?" palusot niya. "I.... I... I didn't mean to be so casual. I'm sorry."
His muscle relaxed cleared of any tension.
"No, no. It's fine. Nagulat lang ako. Napakatagal na rin mula nang may tumawag sa akin nang ganiyan."
He put the cellphone back on his pocket and stared at her face. Sinalubong niya ang titig nito. She can't understand how this seemingly harmless man with the kindest eyes is capable of such cruelty.
"I'll go now. Do not try to go out. The guards outside won't let you. I'll have your food delivered. Text or call me anything you wanted," parang walang nangyari na saad nito.
"Call you? Pero wala akong number mo."
Dinukot nito uli ang cellphone at nagtipa. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone sa bulsa niya. Kinuha niya iyon at tiningnan ang isang missed call mula sa isang unregistered number.
"Now you have mine."
Tumalikod na ito at lumabas ng pinto. Nangingiting ipinagpatuloy niya na ang maganang pagkain.
But where did he get her number? She sighed. Bakit pa ba siya nagtatanong? That's Langdon Asturia.
One hour after she finished encoding all the data in the black folder, the food in the presence of a gigantic seafood platter came. Nagtaka pa siya kung bakit may dumating gayong hindi naman siya tumawag kay Langdon.
She shook her head when he read the note on top of the food. It says a simple "Eat" yet it's a very commanding statement.
Pagkatapos kumain ay nagbasa-basa siya sa study. Sinubukan niya ring kontakin ang kapatid pero bigo siya. Sa huli ay hinubad niya ang salamin at sumubsob sa mesa at ipinikit ang mga mata. Nakatulugan na niya ang pag-aalala.
Nagising siya sa tunog ng kung anong nahulog. She squinted her eyes and looked for her glasses. May nasagi ang kaniyang kamay sa dulo ng mesa na kamuntikan niya nang matabig kung hindi lang sa kamay na pumigil sa kaniya.
"Here," ani ng tinig ni Langdon at inilagay sa kamay niya ang salamin.
Agad niya iyong isinuot. Luminaw ang kapaligiran pati na ang kabuuan ni Langdon na balewalang binuhat ang coffee table at idinikit sa mesa niya. Inihain nito ang mga pagkain mula sa paper bag ng isang steakhouse.
"You're drooling," turo nito sa ilang patak ng laway sa mesa na fresh na fresh pa.
Napatda siya at hiniling na sana ay lamunin na lang siya ng lupa. Nag-iinit ang mukha sa kahihiyan na nagkukumahog na kumuha siya ng tissue para ipamunas. Pasimple rin niyang kinapa ang bibig kung may naiwan pang basa. Mabuti naman at natuyo na. Napapakamot pa siya sa ulo nang matapos at sulyapan si Langdon na tahimik na naghihintay sa kaniya.
"Eat," utos nito at iminuwestra ang pagkain.
Bantulot siyang tumango. May hilaw pa rin na ngiti sa mga labi na kinamay niya ang baby back ribs at diretsong sinakmal. Napapikit siya sa pinaghalong sarap at kahihiyan habang ngumunguya. Baka nakita pa siya nitong nakanganga kanina. Nakakahiya!
To her surprise, he took a seat beside her and pluck out some macaroons and eat them silently.
Mas lalo siyang nailang kaya mas pinag-igihan niya ang pagkagat. But she can still feel his eyes on her. Nang hindi na makatiis ay dahan-dahan siyang luminga sa lalaki. She extended her hand with ribs to him and sheepishly smiled.
"Langdon, gusto mo? Nakakahiya ho kasi na ako lang ang kumakain nito. Kain ka po. Kain tayo," nakangiting pang-eengganyo niya rito.
He just stared at her with no visible reaction. Ilang segundo pa ang dumaan na wala itong sinasabi kaya nagkusa na siyang ibaba ang kamay. Nagbawi siya ng tingin mula rito papunta sa mga pagkain.
The salad looks delicious and so is that beef strips. Everything looks delectable and how she wished Langdon would stop staring at her so that she could enjoy the food.
"I was just wondering. Hindi ka ba natatakot sa akin?"
Natigilan siya nang sa wakas ay magsalita ito. Sinipat niya nang madalian ang mukha ni Langdon. Still no considerable tinge of reaction to read.
"Bakit naman ako matatakot sa iyo? Are you a bad guy?"
Isinubo niya ang nakolektang mga olives mula sa salad.
"Oo. I'm a bad guy. You saw me beating the hell out of that s**t during your birthday and you still accepted the job offer. Why?"
Nagulat siya. She didn't know he still recognized her. And how did he know it's her birthday that time? Maybe it's the cake?
"I don't know the whole story. Wala ako sa position para manghusga. Basta ang alam ko lang, ikaw iyong tumulong sa akin noong... noong... alam mo na."
"You saw them having a fivesome," pagtatapos nito sa sasabihin niya.
Nabilaukan siya sa narinig at naubo. Inabutan naman siya nito ng tubig na agad niyang ininom.
"Pwede bang 'wag mo na uli iyong ipaalala? Tumataas kasi ang mga balahibo ko." Nakangiti niyang sinalubong ang tingin nito. "Besides, hindi talaga ako takot sa iyo kasi hindi ka naman nakakatakot."
"Hmmm," he replied and stood up. "That and you needed money."
Hinatak nito ang isang box at binuksan gamit ang cutter saka walang imik na hinubad ang coat at isinampay sa swivel chair nito. He rolled off his white sleeves and untied his neck tie while opening his computer.
Maingat na iniligpit naman niya ang mga pagkain pagkatapos mabusog. Dinala niya ang mga iyon sa kusina at inilagay sa ref. Kumuha na rin siya ng dalawang piraso ng chocolate drink.
Pagbalik sa taas ay seryoso nang nagtatrabaho si Langdon. Nakatutok na ang buong atensiyon sa computer nito. Noong isang araw ay nagkaroon siya ng pagkakataon na masipat ang ginagawa nito. Puro blueprint ng mga establishments at mga business proposals ang nakabalandra sa lahat ng tabs.
Inilapag niya ang box ng inumin sa mesa nito at nilagyan ng straw.
"Lang... I mean Langdon, inom po kayo."
He didn't look at her or the drink and just nodded. Bumalik naman siya sa upuan at nagsimulang mag-encode.
Pasulyap-sulyap siya sa direksiyon ni Langdon para tingnan kung uminom na ba ito. Sa huling pagtanaw niya ay nahuli niya itong hawak sa kamay ang inumin at sumisipsip.
Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang malawak na ngiti. Kinuha niya na lang ang sariling inumin at sumipsip din. Sa mukha ay nakabalatay ang labis na kilig at saya.