"Should I just go in? No, no. Baka kung ano ang ginagawa niya sa loob at mabulabog ko pa."
Huminto siya sa pagkatok at lumayo sa pinto. Kanina pa siya kumakatok para ipaalam kay Langdon na kailangan na nitong buksan ang box pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito pinagbubuksan.
Alam naman niyang hindi ito umalis dahil nagpapaalam naman ito sa kaniya. Nagtanong din siya sa security sa labas nang dalhan niya ang mga ito ng pagkain at tama nga siya na hindi umalis si Langdon.
"Pero ang sabi niya ay gisingin ko siya kahit na kailan para buksan ang iba pang mga kahon."
Sa naisip ay nagkaroon uli siya ng lakas na kumatok pero wala pa ring anumang palatandaan na may tao sa loob.
"Bahala na."
She didn't think twice and pushed the unlocked door open. Lumikha ng tunog ang pagbukas niya pero hindi iyon sapat para gisingin ang lalaki na pahalang na nakahiga at natutulog sa kama.
Langdon is shirtless and obviously drunk. Nakakalat sa sahig ang mga bote ng beer na wala ng laman.
Lumapit siya at tinitigan ito.
His face is restless, his mouth slightly open, and there's trail of tears on the side of his eyes.
Humaplos ang awa sa puso niya sa nakikitang anyo ng lalake. He is obviously suffering from the pain, from the memories of the girl in the picture frame he's hugging.
Itinaas niya ang kamay at iginalaw sa ibabaw ng mukha ni Langdon. There's no response. Slowly, she held the frame on one end and pulled it gently away from his arms.
Tinitigan niya ang mukha ng isang babae sa picture at mas lalong nahabag. The image is not clear anymore. Naluma na ng panahon ang larawan. It's blurred with some evident scratches on the face.
She placed it on the nearby side table and went back beside Langdon.
Dahan-dahan niyang inayos ang nakakunot na noo nito.
"Hey, how I wish I could erase this pain from your face but... how can I do that if you don't see me at all?"
Tinuyo niya ang naiwang bakas ng luha sa pisngi nito.
"What I'm feeling for you will always be hidden because I know that it's wrong. We're from both different sides of the spectrum, Lang. And I know you will never forget her."
Tumayo siya para lakasan pa ang aircon para mas maging komportable ito. Alcohol generally makes your body warm. She should know because her brother used to sleep in the veranda whenever he's drunk.
Bumalik siya sa tabi nito at muling pinagmasdan ang binata. Hindi na niya napigilan ang sarili at hinagod ang pisngi nito. Napangiti siya nang bahagyang mawala ang gitla sa noo nito.
Nang sa palagay niya ay sobra na ang kaniyang pananatili sa silid ay nagpasya na siyang lumabas. Hihintayin na lang niya ang paggising nito mamaya.
Nilagyan niya muna ng unan ang likod ng ulo ni Langdon bago tumalikod pero nanlaki ang kaniyang mga mata nang maramdaman niya ang mainit na kamay ng lalake na pumigil sa braso niya.
"Don't leave me. Please," pakiusap nito habang parang nagdedeliryo. "Stay... Stay here with me, please."
Hindi niya alam ang mararamdaman. She's shocked and confused but at the same time she felt a heartwarming feeling creeping inside her.
"Don't leave me, please," anas nito, nakapikit pa rin.
"I won't. I won't leave you. I'll stay here," wika niya at bumalik sa tabi nito nang makabawi sa pagkabigla.
Ginagap niya ang kamay ng lalake na mahigpit ding humawak sa kaniya.
Kumilos si Langdon patagilid sabay hila sa kaniya pahiga sa kama. His hand went to her neck and before she could actually make a sound, his lips were already on her.
Nablangko bigla ang kaniyang utak. Her wide eyes and the heat of his body as well as his soft lips with an alcoholic taste on her opened mouth were the only thing that registered in her mind.
Gumalaw ang labi nito at mas lalo pang pinalalim ang halik habang ang mga kamay ay humagod sa likod niya.
Umalpas ang ungol mula sa bibig nito na siyang nakapagpagising sa tuliro niyang utak. She pushed him away but he seemed to take it as a favorable response so he pressed her down even further on the bed and caged her using his legs.
Surrendering to the fact that she can't get out of his tight grip, she closed her eyes and let her feelings burst out.
Nalalasahan niya ang pinaghalong alak at mint sa bibig nito. She's also too aware with the heat emanating from the squeezing of their bodies. And she's not discounting the funny fleeting feelings on the pit of her stomach.
The hard frame of Langdon's body meshed into her soft curves.
"I love you, Cas. I love you so much, my love," he whispered on her ear before collapsing into sleep beside her.
Animo binuhusan siya nang malamig na tubig sa narinig. Hinihingal na sinapo niya ang ulo at ipinikit ang mga mata.
The drumming of her heart intensified not because of the kiss but of the pricking pain that suddenly washed over her.
Inalis niya ang kamay na nakayakap sa bewang niya at ang hita na nakadagan sa kaniya. She then got up and brushed her hair, her face still red from all that happened. Inayos niya ang natabinging salamin at huminga nang malalim.
Pinagmasdan niya ang payapang natutulog na si Langdon. She wondered if he will remember it. She's hoping he will not. She's not prepared for the disappointment he will feel knowing it was her and not his beloved Cas.
Pagkatapos kumutan si Langdon ay lumabas na siya ng silid at nagpahangin sa veranda. Tulala siya buong maghapon. Walang matinong bagay ang pumapasok sa utak niya kaya natulog na lang siya sa pag-asang paggising ay baka mas okay na ang lahat at makakasanayan niya na rin ang nangyari.
She woke up at four in the afternoon with a clearer state of mind. Matapos maghilamos at kumuha ng dalawang chocolate drink sa ref ay pumanhik siya sa itaas para sana magbasa ng libro pero napatda siya nang pagpasok niya sa study ay ang prenteng mukha ng bagong ligo na si Langdon ang bumungad sa kaniya. He's on his work table and is busy typing.
Bumuhos uli ang alaala ng mga nangyari kanina. Kinagat niya ang dila nang magsimulang mamula ang mukha at uminit ang tenga. The feel of his lips on her is very much painted in her memory. His taste, his touch, and the way he whispered the woman's name.
Tumalikod siya para bumalik sa baba. Hindi pa niya kayang umakto na parang walang nangyari.
"Cin," tawag ni Langdon sa kaniya.
She sighed. Maybe not today.
Humarap siya dito at ngumiti para itago ang nararamdamang hiya.
"Yes?"
Itinuro nito ang mesa niya.
"Eat. I bought food."
Tumango siya at bantulot na pumasok at naupo sa harap ng mesa kung saan may nakalagay na dalawang box ng cake. Sa tabi ay may dalawang platito na may tinidor at kutsilyo sa ibabaw.
Nakabukas na rin ang isang karton na nasa gilid ng kaniyang swivel chair.
Sinulyapan niya ang lalake na seryosong nakatingin sa monitor. She
can't help herself but stare at his lips and of course it's instantaneous that she remembered the way those lips stole away her first kiss.
Dali-dali niyang binuhay ang computer para libangin ang sarili. It might be better to work now. Inayos niya ang suot na glasses at isinuot ang earphones bago dinampot ang unang envelope at nagsimulang mag-encode.
She played music at the highest possible volume to distract herself from the man's presence and so far it's working.
Minutes passed and she was too immersed in all the work when someone removed the earphones. Nag-angat siya ng tingin kay Langdon at dagling napausog palayo nang maging sobrang malapit ang mukha nito sa kaniya.
Binuksan nito ang box ng cake, humiwa saka inilagay ito sa platito at ibinigay sa akin.
"Eat. Your friend told me you're a very reserved person. Don't be too shy to me. I don't eat people."
Kumuha na rin ito ng sariling pagkain saka sumubo. Humantong ang tingin nito sa magkatabing chocolate drink na nasa gilid ng pencil holder. Kinuha nito ang isa at binalingan siya.
"Is this for me?" he asked while putting the straw.
Ngumiti siya rito at tumango.
"Oo, nakalimutan ko lang na ibigay."
He sipped and then tapped her shoulder. Napatitig na naman siya sa mga labi nito.
"Come on. Eat it, Cin. It's delicious." Itinaas nito ang inumin. "It's good, too. Thank you."
Binitbit na nito ang platito at ang chocolate drink pabalik sa mesa nito. Inabot niya naman ang tinidor at nagsimulang kumain.
"Hmm. It's really good."
Napabilis ang kaniyang pagsubo sa strawberry cake at tumingin sa gawi ni Langdon na nakatingin din sa kaniya.
She smiled at him and pointed at the cake using her fork.
"Sarap nga," nagniningning ang mga mata na wika niya.
Langdon's face became soft. He nodded and smiled at her.
"I told you."
Nakangiting ibinalik niya ang atensiyon sa pagkain at kumuha pa uli ng isang slice.