9

1575 Words
Napahinto siya sa kalagitnaan ng hagdan nang makita si Langdon na nakaupo sa couch sa veranda at umiinom. Mukhang malalim na naman ang iniisip nito kaya nagdadalawang-isip siya kung itutuloy pa ba ang planong pag-akyat para sana magpahangin. "Come here, Cin. Join me," he called her out without turning his head towards her. Nagulat man dahil akala niya ay hindi siya nito nakikita o nararamdaman pero ipinagpatuloy niya na rin ang paghakbang. Umupo siya sa katapat na sofa saka ngumiti kay Langdon. Itinaas naman nito ang hawak na bote ng alak at uminom. "You drink?" Iminuwestra niya ang hawak na baso ng gatas. "I guess?" Hinipan niya ito saka uminom. Langdon managed to give her a half smile. "You good here? Hmmm?" "Oo naman. Mabait ka. Wala akong pwedeng ireklamo. Tapos ang sasarap pa ng mga binibili mong pagkain. Busog ako palagi." Dinala niya uli sa bibig ang baso at inubos ang kalahati ng laman. "Hmm." She heard him but she can't make of his expression because she's closing her eyes while drinking the milk. "Nabanggit sa akin ni Andrea na nagpaplano kang bumalik sa pag-aaral. That's good. What degree you're taking?" Nagmulat siya ng mga mata at napahugot ng hininga nang magtama ang kanilang mga mata ni Langdon. His blue green eyes stood up in the middle of the dimly lighted veranda. Nag-iwas siya ng tingin at hinigpitan ang hawak sa baso. "Bachelor in Early Childhood Education. I love kids that's why. Bunso kasi ako. I wanted a sibling pero hindi na pwedeng manganak si mama kaya malapit ako sa mga bata. Ang cute lang kasi nila, eh. They're so appreciative. Kahit kendi lang ang ibigay mo sa kanila ay masayang-masaya na sila. They're adorable." "You will be a great teacher." Inubos nito ang laman ng bote at nagbukas ng panibago mula sa ice bucket na nasa center table. Balewalang tinungga nito iyon habang nakasandal at naka-dekwatro. "Thank you. Ikaw Lang... I mean Langdon, what do you do?" She blinked to keep herself from grimacing. "You can call me that way." "H-ha?" "You can call me Lang. It's okay." Ilang beses pa siyang napakurap para mag-sink sa kaniya ang sinabi nito. "Okay... Lang," she said with an utter satisfaction. "That's more like it. What do I do?" Inilagay nito ang braso sa arm rest at hinawi ang buhok. "Hmmm. I sell things. I sell information, big time data for big time clients." "Ilegal ba iyon?" He grinned. "I don't indulge in illegal activities, Cin. Baka ngayon pa lang." Namilog ang kaniyang mga mata at pabulong na nagsalita. "Ibig sabihin, ilegal itong pinapagawa mo sa akin?" "Oo," he confirmed it as if it's just nothing. "Kaya kapag may nagtanong sa iyo kung kilala mo ako, anong sasabihin mo?" Kumurap siya uli. "Na hindi kita kilala. Na wala akong kilala na Langdon Asturia." Pinagsalikop nito ang mga kamay at tiningnan ako nang matiim. "Will you tell them about what you're doing here?" Umiling siya. "No." "Kahit kapalit pa ang malaking pera?" Ngumiti siya rito. "Hindi pa rin." "Good girl." "Kasi papatayin mo ako. Do you really mean that?" Naging seryoso bigla ang mukha nito. "Only if you do what I told you not to do." "Na hindi ko gagawin." "Then you're a good girl. And good girls always live." "Hindi lahat." Inabot niya ang baso ng gatas at inubos na ito. "Hindi lahat ng mga good girls na sinasabi mo ay nabubuhay ng matagal. Sometimes, the heaven runs out of good people so the good girls are needed to be immediately repatriated from here." "They why are you still here?" "Maybe I still have a mission." "Hmmm." He looked at the terrace with a depressed glint on his eyes. "Lang, ilang taon ka na?" Wala na siyang maisip na sasabihin kaya nagtanong na lang siya kaysa naman sa maputol ang kanilang pag-uusap. Gusto pa niyang mapahaba ang interaksiyon nilang dalawa kahit sa mga ganitong pagkakataon lang. Alam naman kasi niyang babalik uli sa dati ang treatment nito sa kaniya bukas. "Bakit?" She shrugged her shoulders. "Wala lang. Curious lang. Okay lang kung hindi mo sagutin. You look so successful na kasi, eh." "26." "26 ka pa lang? Bat parang ang tanda mo na? You look so matured." He smiled which she definitely captured in her memory. It's very rare to witness Langdon Asturia smile wholeheartedly. "Do you know it's a compliment for men to receive that?" "Yes. I have been told so by my cousins. Plus pogi points daw para sa kanila." She stopped and carefully debated against herself if she would say the last few words but then her heart won like it always does. "You're not as cold as I thought you are," she added. Wala siyang kahit na anong nahita na emosyon sa mukha ni Langdon. "Madaldal ka pala," ani nito. Kinagat niya ang dila at nagbaba ng tingin. "Is that a bad thing?" Hindi na nito nakuhang sagutin ang tanong niya. Simbilas ng kidlat ang pag-ahon nito sa upuan at ang pagtawid nito sa distansiya nilang dalawa. Nabasag ang nabitawan nitong bote na lumikha ng nakakangilong tunog. Hinila siya nito sa sahig at payakap na kinubabawan. Two gunshots were heard in the stillness of the night. Langdon couched over her while reaching for something in his pants. And then he took out a silencer, aimed at the window, and fired while still above her. Napaigik siya sa tunog ng barilan. She closed her eyes and clutched hard at his shirt. In her mind is a traumatic experience she had longed buried. It happened that one night six years ago when unidentified men stormed inside their mansion and killed their security. She was held at a gun point by one of the man and was almost kidnapped had her brother not shattered the man's skull. "Are you okay? Wounds? You got any wound?" tanong ni Langdon nang hindi na gumanti ng putok ang kalaban. Sinapo nito ang kaniyang mukha ng buong pag-aalala at naghanap ng sugat sa kaniyang katawan. She swallowed hard. "Wala. No wound." "Alright." Bumangon ito palayo sa kaniya at ibinalik ang baril sa holster nito. She was shocked to know that it was there all along. She looked at his calm expression and gulped. He wasn't at all disconcerted with the shoot out which only proves that he's used to it. "A-Ano iyon?" Hindi siya nito sinagot. Madilim ang mukha nito nang alalayan siya nitong tumayo. Mahigpit ang hawak nito sa kamay niya habang hinihila siya nito papunta sa study room. May pagmamadali sa kilos nito na hindi niya nakasanayan. "Transfer all the files to the flashdrive, Cin." Kinuha nito ang lahat ng mga hindi pa nabubuksan na karton at pinagbubuksan. Then he went out of the room for a minute and returned with a big luggage. Tumigil ito sa paglilipat ng mga papeles sa bagahe at tiningnan siya. "Do what I said. Now." Parang kulog sa kaniyang pandinig ang utos nito. "Now I want you to stop crying and start running! Now!" Nangilid ang luha niya nang maalala sa sinabi ni Langdon ang desperasyon sa boses ng kapatid. Alam na alam niya ang kasunod na mangyayari kapag naririnig na niya ang ganitong klase ng tono. She ran to the computer and began doing what he said. Kahit nanlalabo ang mata sa luha at nanginginig ang kamay ay pinilit niya pa rin na gawin ang dapat na gawin. Saktong pag-ahon niya sa upuan nang matapos ang ginagawa ay ang pagbuhos ni Langdon ng gasolina sa mga papel na natapos niyang i-encode at sinilaban ang mga ito. Lumakad ito sa computer nito at buong pwersang inihagis sa pader. Ganun din ang ginawa nito sa computer niya. "Cin, come here." Umayos siya ng tayo mula sa pagkakasiksik sa sulok at inabot ang nakalahad na kamay ni Langdon. Ibinigay niya rito ang flashdrive na ibinulsa naman nito. "We need to go now. Don't bother going after your things. Ako na ang bahala sa lahat." Inakbayan siya nito at inakay palabas habang hila-hila ang maleta. Alertong nauna muna si Langdon sa paglabas bago siya nito sinenyasan na sumunod. Muntik na siyang mapasigaw sa nabungaran na mga nakabulagtang bangkay ng mga security guards sa bakuran. "Don't look. Come here." Piniringan nito ang mga mata niya gamit ang sariling kamay. Kumapit naman siya sa braso nito at tahimik na lang na umiyak. Tinanggal nito ang kamay nang makarating sila sa kotse at pinagbuksan siya. Agad naman siyang sumakay at pinahid ang mga luha. "Get it out of your head," wika nito sa mariing tinig. Binuhay nito ang makina at pinasibad ang sasakyan palayo. Niyakap naman niya ang sarili habang patuloy ang tahimik na pag-iyak. It's not just something she can get out of her head easily. She knew those men. She fed them and laughed with them. She can't get the image of dead bodies out of her head that easily. They're her friends. Napahagulhol na siya ng iyak. Ano na naman ba itong napasok niya. Magtatago lang dapat siya. Magpapalamig pero heto na naman siya at tumatakas, lumalayo mula sa panibagong kapahamakang nasuungan. Huminto si Langdon sa tabi ng kalsada at nagbuntunghininga. Tinanggal nito ang seatbelt niya at hinila siya paloob sa yakap nito. Pumikit siya at isinubsob ang mukha sa dibdib nito habang nanginginig na ikinapit ang mga kamay sa leeg nito para umamot ng kakaunting lakas at init mula rito, umaasang kahit papaano ay maibsan ang takot na umaalipin sa kaniyang buong pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD