Humantong sila sa harap ng masukal na kagubatan ng Cerro Roca na naiilawan lamang ng headlights ng sasakyan. Nagtatakang binalingan niya si Langdon nang patayin nito ang makina.
"We'll stay here for now."
Bumaba ito ng kotse kaya napasunod din siya kaagad dito dahil sa takot. Laganap sa buong bayan ang mga kwento tungkol sa mga ligaw na kaluluwa sa gubat na ito.
Kumapit siya sa likod ng t-shirt ni Langdon na napatingin sa kaniya sa nagtatanong na mga mata.
"Natatakot ako," mangiyak-ngiyak niyang pahayag kay Langdon.
Mas humigpit pa ang kapit niya sa laylayan ng damit nito nang nagbagsakan ang kaniyang mga luha. It's like those times again. She running with her brother. Ang kaibahan lang ay wala ang tanging tao na alam niyang hinding-hindi siya pababayaan sa tabi nito.
Tumango ito makalipas ang isang saglit na pagtitig lang sa luhaang mukha niya.
"Tighter," he muttered. "Higpitan mo pa para hindi ka na matakot."
Ito na ang kumuha sa kamay niya at ipinagsalikop sa sariling kamay nito at inakay siya papasok sa pusikit na kadiliman.
Nagpahid siya ng mga luha at ikinapit ang libreng kamay sa braso ni Langdon.
"Walang multo rito. This place just like me is just misunderstood. Walang pinatay at itinapon dito. Mga kuwentong kutsero lang iyon."
Hindi nakatulong ang mga sinabi nito para mawala kahit kaunti ang takot niya kaya isiniksik niya na lang ang katawan dito at pumikit para wala siyang makita na baka ikalikot na naman ng imahinasyon niya.
Tumigil si Langdon sa paglalakad at binuhay ang dalang flashlight. Tumambad sa kanila ang isang maliit na kubo sa gitna ng gubat.
"Come. Kailangan na nating magpahinga."
Naglabas ito ng susi at binuksan ang pinto. Doon pa niya tinitigan ang paligid at hindi napigilang mangilabot uli nang makitang nagtataasang mga kahoy at talahiban ang parang mga nakatingin sa kanila.
Napatalon siya papunta kay Langdon at nauna nang pumasok sa binuksang pinto nito.
Inilagay nito ang flashlight sa sahig saka binalikan ang mga maleta. Umupo naman siya sa sahig at niyakap ang sarili. Walang kalaman-laman ang maliit na kubo na mukhang matitibag na sa luma.
Nag-angat siya ng ulo kay Langdon na umupo sa harap niya at hinubad ang suot na jacket. He put it around her body and pulled her to him. Napahiga siya sa hita nito.
"Sleep. Gigisingin kita kapag aalis na tayo. We can't just transfer to another place without them chasing after us. Palipasin muna natin ang oras," ani nito at hinugot ang baril sa holster at itinabi sa gilid nito.
"Papatayin ko ang ilaw," paalam nito.
"Okay," mahina niyang saad at yumakap sa braso nito nang wala na siyang makita sa kadiliman maliban na lamang sa asul at berdeng mga mata nito.
Katahimikan ang naghari sa kanila sa loob ng ilang sandali. Nang hindi na siya makatiis ay tumikhim at nagsalita na siya.
"Sino ba sila? Ano ba ang atraso mo sa kanila?"
Langdon sighed and moved to lean against the wall.
"Wala. Pero madami silang atraso sa akin."
"Pero bakit sila ang umaatake sa iyo?"
"Hmmm," he replied and reached for his gun. "You're not that scared anymore?" pag-iiba nito sa usapan na hinayaan naman niya.
"Konti na lang. Still afraid but I can handle it. Ikaw, hindi ka ba natatakot? Parang... Parang sobrang sanay ka na, eh."
"I'm used to it. Sleep now. 'Wag nang maraming tanong."
Tumahimik na siya at hinapit ang jacket nito at sinubukang matulog pero kahit lumipas na ang ilang oras ay mailap pa rin ang antok sa kaniya. Nakapikit na si Langdon habang hawak ang baril na nasa may ulunan niya kaya hindi na niya maaninag ang mata nito.
"You're still not sleeping," wika nito, nakapikit pa rin.
"I can't. Ikaw na lang ang matulog tapos ako na lang ang gigising sa iyo. Ano na bang oras?"
Bumangon siya at tumabi ng upo rito. Kumilos ito para tingnan ang relo at tumayo.
"Three five." Inilahad nito ang kamay sa kaniya na inabot niya. "Umalis na tayo."
Lumabas na sila ng kubo at nagsimulang maglakad pabalik sa sasakyan nang biglang huminto si Langdon at ikinasa ang hawak na baril at pinakiramdaman ang paligid.
Takot na nagtago siya sa likod nito at yumakap dito. Bumalik na naman ang takot na naramdaman niya kanina.
"It's false alarm."
Nakahinga siya nang maluwag at bumalik sa tabi nito pero hindi na niya tinanggal ang pagkakakapit sa damit nito. Nagpatuloy na sila sa maingat na paglalakad habang hila-hila ni Langdon ang maleta sa kamay, hawak ang baril sa kabila, habang mariin siyang nakahawak sa laylayan ng damit nito dala ang flashlight.
Narating na nila ang kotse nang matiwasay. Hahakbang na sana siya patungo rito pero pinigilan siya ni Langdon at itinago sa likuran. Iniharang nito ang sarili sa kaniya at inutusang manahimik.
"Langdon," tawag ng isang boses ng lalake mula sa kadiliman.
Naramdaman niya ang tensiyon sa katawan ng lalake kaya dahan-dahan siyang sumilip sa balikat nito at inilawan ang direksiyon kung saan nagmumula ang tinig.
Sa hood ng kotse ay nakaupo ang isang lalakeng nakahalukipkip at hawak ang isang mataas na kalibre ng baril at ngumunguya ng chewing gum. Asul ang mga mata na kakakitaan ng kabangisan.
Langdon relaxed and raised his gun to the man.
"Ymir," Langdon acknowledged him in a dark rich tone that she never heard him used at her.
"Hello cousin," Ymir smiled and jumped out of the hood of the car and spat out the gum on his hand.
Napapitlag siya sa takot at nakapikit ang mga matang isinubsob ang mukha sa likod ni Langdon.
"Dala mo ba?" tanong ni Langdon.
Tumawa si Ymir.
"Yup but I will only give it to you if you lowered down the gun. Hindi ka na mabiro! Gusto ko lang namang makipagkalaro! Ganiyan na ba ang ginawa ng Spain sa iyo pinsan? Damn! What's with people nowadays? Ang iinit ng mga ulo. Chill, cousin. Marami pa ang mangyayari kaya lamigan mo ang ulo mo."
"Akina."
Inilahad ni Langdon ang kamay.
"Wait, who's that woman behind you?"
Lumapit ito sa kaniya at kinuha ang hawak niyang ilaw para ituon sa kaniya. Itinago namam niya ang mukha sa likod ni Langdon at mas lalong sumiksik dito.
Inagaw ni Langdon ang flashlight kay Ymir at ibinalik sa kaniya saka hinatak ang pinsan pabalik sa harap.
"Stop sticking your nose in my business. Give me the key, now."
Ymir just laughed and raised his hands in the air. He took out a bunch of keys from his pockets and threw them at Langdon.
"You're really a magnet when it comes to troubles. Ano na naman kaya itong pinasok mo. Once is really not enough for you?"
Ibinulsa ni Langdon ang susi bago sumagot.
"Wala ka na dun. Now leave us."
Pumalatak si Ymir.
"Ganun na lang iyon? Wala man lang bang pa-thank you diyan? Insan, why the rude treatment? I'm on your side. My family is on your side."
"Thank you," walang ganang sabi nito. "Now leave."
Nag-iwan pa ng isang halakhak si Ymir bago ito pasipul-sipol na nagbalik sa kotse at sumakay.
"Basta tandaan mo, Langdon. Wala na siya. Tapos na silang lahat. Tinapos na ni Daddy," pahabol nito at ibinalik ang chewing gum sa bibig.
Binuhay nito ang makina at parang kidlat na pinasibad ang kotse palayo. Naiwan siyang hindi mapakali sa pagkakayakap sa natitigilang si Langdon.
"Let's go," matigas na saad ni Langdon at naglakad papunta sa sasakyan.
Agad naman siyang tumakbo sa tabi nito at pumasok sa loob ng nakabukas na pinto.
Tahimik na naman ang lalake sa buong biyahe patungo sa lugar na wala siyang ideya kung saan. Madilim ang mukha nito at narinig pa niya itong mahinang nagmura matapos tapakan ang silinyador.
"Nasa Cerro Roca pa rin ba tayo, Lang?" mahina niyang tanong dito.
Nakatigil na sila sa labas ng isang townhouse sa isang dinedevelop pa lang na subdivision. Hindi siya pamilyar sa lugar dahil hindi naman siya masyadong naglalalabas sa Cerro Roca. Napansin niya ring tanging ang bahay sa harap nila ang tapos na ang pagkakagawa. Ang lawak pa ng mga bakanteng lote pero may iilan na ring mga ginagawang bahay.
Tumitig si Langdon sa kaniya mula sa salamin. Bahagyang lumambot ang mukha nito na para bang ngayon lang nito na-realize na may kasama ito.
"Out. We need to rest."
Tumango siya kahit nagtataka sa biglaang pag-iiba ng mood nito. He seemed so cold again, so detached from anyone.
Is it because of what Ymir had said? Or maybe what happened back in his house finally dawned on him now.
"O-Okay."
Bumaba siya ng kotse at sumunod sa pinto na binuksan nito. Madilim pa rin ang paligid.
He scanned the area first and put his gun back to the holster when he didn't notice anything suspected. Hinawakan siya nito sa tuktok ng ulo at pinauna sa loob.
"We can't use the second floor. Inaccessible and under construction. We'll only be here for less than a week kaya pagtiyagaan na muna natin dito. The fridge is full as well as the pantry so we don't have any problem with the food supply."
Isinarado nito ang pinto at inilagay sa gilid ang maleta saka lumapit sa black sofa at ginawang kama.
Nakatayo lang siya sa buong durasyon ng pag-aayos nito ng higaan habang hinahamig ang sarili sa mga katatapos lang na mga pangyayari.
She knows she's in a messy and dangerous situation now. Iyong mga nasaksihan niya kanina ay patunay na may malaki ring gulo na nangyayari sa loob ng mga Asturia.
"Cin."
Nagtaas siya ng ulo kay Langdon na nakatingin sa kaniya. She stared at his hard face with no iota of fear in it.
"Y-Yes?"
"Magpahinga ka na."
Pinagpag nito ang unan sa sofa bed at lumapit sa gilid niya para kunin ang maleta. Umupo ito sa couch at inilabas ang laptop.
Atubili siyang naupo sa sofa bed at sumukob sa kumot.
"Ikaw? Hindi ka pa ba magpapahinga? Matulog ka na rin."
Tumingin ito sa kaniya mula sa screen ng laptop at ngumisi.
"Are you seriously inviting me to join you in bed?"
Rumagasa ang dugo niya papunta sa mukha. Ilang beses siyang kumurap para pigilan ang pag-iinit ng mukha at tenga pero bigo siya. Awang ang bibig na umiling siya at iginalaw ang mga kamay bilang pagtutol.
"Hindi! Hindi iyan ang ibig kong sabihin. I... I was just asking if you want to sleep..."
"With you? Beside you?"
Namilog na lang ang mga mata niya sa narinig mula sa binata. Sinubukan niyang magapuhap ng sasabihin pero nablangko ang utak niya kaya para lang siyang timang na nakaupo at mahigpit na hawak ang kumot.
Did he really think that she wanted to sleep with him?
Langdon smiled and went back into typing.
"I was just joking. Matulog ka na."
Wala sa loob na nahiga siya matapos hubarin ang salamin at nagtalukbong ng kumot habang baon pa rin ang kahihiyan na naramdaman. Sinubukan niyang pumikit pero hindi talaga siya mapakali kaya sumilip siya sa kumot.
"Hindi talaga iyon ang ibig kong sabihin, Lang. Nagtatanong lang talaga ako. Nothing more. Nothing less."
He just nodded and glanced at her.
"Promise. Iyon lang talaga," saad niya na parang maiiyak na.
Langdon chuckled and smiled at her.
"I know, Cin. It's just a joke to loosen your nerves. You don't mean that. It was an honest question. It's nothing kaya matulog ka na."
Bumalik na ito sa ginagawa kaya itinaas niya na rin ang kumot hanggang sa ulo. Dinama niya ang mainit pa ring pisngi at umiling.
Bumalikwas siya ng bangon at magsasalita na sana kung hindi lang siya sinulyapan ni Langdon. Nawala uli sa dulo ng dila niya ang sasabihin kaya nginitian na lang niya ito at bumalik sa pagkakahiga.
"Hmmm," she heard him murmured.